Tapos na ang unang klase niya, ilang minuto na lang para sa ikalawa. Kinapkap ang pitakang walang kahit anong laman at dali-dali nang pumunta si Ramon sa banyo sa loob ng bilding. Sinara ang pinto. Ni-lock. Siniguradong hindi mabubuksan. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na siya, pero sa bintana dumaan. 'Yung bintana nga naman ay deretso na sa labas ng bilding.
Tumakbo na siya pabalik dahil mahuhuli na siya sa susunod niyang klase, at nang pumasok na siya ulit sa bilding, napansin niya na nawawala ang pitaka niyang walang laman. Pero dahil mahuhuli na, hinayaan na lang niya. Nagmadali. Nang makapasok sa klasrum para sa susunod na klase, hingal na hingal siya. Pagod. Nandoon na 'yung propesor niya. May in-announce lang sa klase kaya hindi na siya pinagalitan.
Pag-labas ng klasrum, tinawag ng propesor si Ramon - sama daw siya sa faculty room. Nang makarating sa mesa ng prop, saka inabot kay Ramon 'yung pitaka niya. May laman na. Walong tig-sandaang piso.
No comments:
Post a Comment