babala: ang mga sumusunod na salita ay maaaring hindi angkop sa ilang mambabasa dahil sa usapang paa at maaaring mandiri sila. moderasyong pagbabasa ay kailangan.
sa wakas, makalipas ang limang sem ng sapatos ko, napalitan na rin. marami na siyang pinagdaanan, marami nang bagyo ang humagupit sa lumang sapatos ko. ilang beses nang pinasok ng iba't ibang uri ng baha at iba't ibang klaseng virus at bacteria at germs na ang nanirahan sa loob ng dalawang pares na yun. limang sem, isang pares ng sapatos.
ngayon, nagrebolusyon na ang aking mga paa, nagpalit na ng sapatos para mag bagong buhay at magbagong bahay. sa wakas, nakakahinga na rin ng maluwag.
suking suki ni ginoong quickie yung lumang pares ng sapatos na ginamit ko. mas malaki pa ang nagastos ko sa bawat pagpapa-ayos, pagpapalit ng swelas at pagpapatahi kaysa noong binili ko yung lumang sapatos na iyon. tuwang tuwa si ginoo dati dahil malaki ang kinikita niya sa akin dati. ngayon, tapos na ang mga maliligayang araw sa akin ng ginoong iyon. may bagon nang sapatos na ginagamit ang mga paa ko, hindi na ako muling lalapit sa kanya para magpa-ayos. wala na siyang kikitain sa akin. 'so long, ginoong quickie'.
ngayon, masaya nang mabubuhay at maglalakad ang aking mga paa sa tuwing papasok ako sa eskwela. hindi ko na rin kailangan pang mag-alala tuwing umuulan dahil may bago nang tirahan ang aking minamaal na paa. salamat sa mga tumulong upang mabili ko ang bagong sapatos, tinatanaw ko po itong malaking utang na paa sa inyo, maraming salamat po talaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment