Thursday, November 13, 2008

balik-balik

Parang napakatagal kong nawala sa cyberspace, namiss ko ang napakaraming pangyayari. Ang dami ko nang gustong i-blog nitong mga nakaraang araw, kaya lang hindi pa ako makagamit ng pc.

Dumaan na yung kilig moment ko nang makita ko ulit yung krash ko na si "ate" sa St. Raymund's Building. Lunes nangyari yun, at nakasalubong ko ulit nung Miyerkules. Wala, kinilig na ako. Wala nang musa para magsulat pa. Lumipas na yung kilig moment eh. Nakakatamad na. Pero naging kaklase ko pala si "ate" last sem sa Ethics, di ko man lang namalayan. Sadyang natuwa lang talaga ako nung nakita ko yung bulaklak niya sa tenga nung nag-enroll ako. Haha

Dumaan na rin yung isang gabi na sobrang lungkot ko. Nalungkot ako nung gabing iyon kasi kinalkal ko nanaman yung mga lumang messages sa cellphone ko. Ayun, putang ina nag-drama nanaman ako. Wala naman ako makausap nung mga sandaling iyong dahil patulog na rin ako, wala din akong load nun. Chaka. Chale. Ayoko nang malungkot, mas masaya maging masaya (ano daw?).

Dumaan na rin yung mga ilang araw na gusto ko mag-post ng kanta. Nanteteng, ngayon nakalimutan ko na kung ano yung mga kantang iyon. As usual, puro kabaklaan ko nanaman yung mga yun.

Dumaan na rin sa utak ko yung idea na "One person's trash is another person's heaven." Gusto ko pa man din sana pahabain yan kaya lang wala ana ko sa mood. Naiintindihan niyo naman diba? Kung mas madalas ninyo ako nakakasama, siguro mas maiintindihan niyo kung bakit ko bigla naisip yan.

WALA NANG MUSA! ANAK NG TETENG NAMAN!

Ngayong mga susunod na araw, "busy" nanaman kuno ako. "Madami" nanaman akong gagawin. Ewan, nakakairita lang. Masaya naman itong araw na 'to. Ewan ko kung bakit ang moody-moody ko bigla pag uwi. Meron yata ako.

4 comments:

direk coco said...

oi anti stress yung gamit computer, internet at photog... dapat magrelax ka in between...

evil laugh..hhahaahaahah... tinutukso yata...

dreen oh! said...

onga ser, yan ang mga nakakapagpa ligaya sa akin hahaha ^_^

Alyssa Herrera said...

uy hottie!!! classm8 ba natin si "ate" mo last sem??? sino xa dun???? ahahaha
XP

Alyssa Herrera said...

uy hottie!! classmate ba natin si "ate" mo last sem??? san xa nakaupo nun?? sino xa dun?? ahahaha.... XP