Wednesday, December 31, 2008

malapit na akong abutin ng putukan

... at dahil dyan, uuwi na muna ako sa cavite. kung saan walang pc :( pero kasama ko ang pamilya ko :)

maabutan na ako ng mga nagpapaputok. Baka matamaan pa ako ng ligaw na bulaklak. ay, ligaw na bala pala. 

salamat sa 08, swabe!


Saturday, December 27, 2008

discrimination sa SLR




PARAK: Sir, para saan po yan? Bawal po kasi yan eh.
DREEN: Sa portfolio lang po. Sorry po, saglit lang, tatapusin lang po yung exposure.

Ang dakilang P.A. na si GEORGE: Estudyante lang yan kuya.
DREEN to GEORGE: Huwag ka na sumagot pare.

PARAK: Bawal po kasi eh, kailangan pa po ng permit.
GEORGE to PARAK: cellphone camera, pwede? digicam (Point and Shoot) pwede?
PARAK to GEORGE: oo sir, yun pwede. yung ganyan kasi pang amateur yan eh.

DREEN pabulong: oo kuya, amateur lang naman po ako eh.

*sabay ligpit na ng gamit at walk-out*

DREEN: Sige po kuya, pasensya na po.

Image Hosting

Image Hosting

ayan, nakapitk pa ako ng matino kahit paano.

Monday, December 22, 2008

word of the day - CHOS

It's not actually a word. It's an expression, pero gusto ko lang sabihin na word of the day. Oh, edi sige, sabihin na nating expression of the day. pero word of the day pa rin ang title ng post na ito.

Ano nga bang meron sa expression na "CHOS"? it was nearly a year ago since i first heard this term. Nung una nababaduyan pa ako. "ano ba yan, kabaklaaan." mapa-lalaki, mapa-babae (syempre kasama na rin yung mga obit at sisters) naririnig kong sinasabi yan. pati nga si pat ng nyctinasty meron sticker na CHOS sa gitara nya eh. rockstar yun ah.

Pero paglipas ng panahon, swabe naman palang gamitin ang CHOS. pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang ibig sabihn nito. sinasabi ko lang kapag nagjojoke ako. so, siguro nga joke ang ibig sabihin nun. 

Sa pagkaka-alam ko, galing yun sa ECHOS eh. hind plural ng echo ah. parang jahe lang yata sabihin ung echos dahil dalwang syllables. 

Pero nakakatuwa lang talaga sabihin ung CHOS eh. CHOS lang. CHOS! dapat may conviction. mas masaya kasi. nararamdaman mo yung saya ng pagbabanggit nung salita. o sige na, expression na. 

Madami din palang punto ang pwedeng gamitin sa pag bigkas nun eh. pwedeng maton (imaginin nyo na lang ha), pwedeng malandi, pwedeng sosyal (babagay nga ba?) at madami pang iba. depende na lang siguro sa pagiging artistic ng pagkakasabi. ayos ba? CHOS

Yun lang. isang walang kwentang blog.

CHOS!

pinaka-walang kwentang angulo




may ma-pitik lang, bara-barabay na lang.

edsa

Sunday, December 21, 2008

laruan




yun lang.

Image Hosting

Image Hosting

Image Hosting

Image Hosting

Pinoy Version ng Twilight

(ABS-CBN) Twilight TV Series

ABS-CBN has bought the rights to make a tv version of the hit vampire novel "Twilight" by Stephenie Meyer, it is about a girl named Isabella Swan who fell in love with a vampire named Edward Cullen, the taping is

set to start next year in Baguio, Bugarin in Tanay Rizal Province, Bukidnon and Tagaytay, This will be one of the biggest production ABS-CBN will make, the budget for this TV Series is about more than a million,

which is big for a tv series. this is said to be directed by the award winning director Cathy Garcia Molina.

Twilight Philippine Version Cast:

(Pending) as Edward Cullen
Shaina Magdayao as Isabella Swan
Valeen Montenegro as Alice Cullen
Gabby Concepcion as Dr. Carlisle Cullen
Luis Manzano as Emmett Cullen
Al Tantay as Charlie Swan
Yayo Aguila as Renee Dwyer
Fred Payawan as Jacob Black
Carlos Agassi as James
Chin Chin Gutierrez as Esme Cullen
Karylle as Rosalie Hale
Joross Gamboa as Jasper Hale
Jessy Mendiola as Jessica Stanley
Empress Schuck as Angela Weber
Brad Murdoch as Laurent
Nikki Bacolod as Victoria
Aaron Villaflor as Mike Newton

ABS-CBN said theyre thinking of Rafael Rosell, Diether Ocampo, or Jake Cuenca to portray the role of Edward Cullen.


_________________________________________________________________________

What the???
Ewan ko lang kung totoo to ha. nakita ko lang kasi to dito --> http://silver112.multiply.com/journal/item/38/FILIPINO_TWILIGHT_re-MAKEwhat_the_FK_were_they_thinking


hahah natatawa ako. yun lang. =))

Monday, December 15, 2008

at the end of the day

ilang minuto na lang, tapos na ang araw ko. ganap na ang pagka-biente-uno ko. Sabi nga ni Nico, legal age na daw ito para mag-casino (sabay tayo NIco, happy birthday. Hindi tayo nagkita ngayong araw. Sayang).

Ayos! Hindi ko na maalala kung kailan yung huling kaarawan ko na natuwa ako ng ganito. Parang nagpaulan ng biyaya si Bossing ngayong araw. 

Unang-una, oo natural naman siguro sa isang taong nagccelebrate ng kanyang kaarawan ang maghintay ng makaka-alala na bumati sa kanya. Nandoon na ako. Alam na ibig sabihin. hehe. Pero ang malupit, yung mga sasabihin pa ng mga tao sayo, bukod sa kanilang pagbati. Yun ang mas nakakapag-bigay ng excitement. 

Nakakatuwa at nakakataba ng puso kasi hindi lang pag-bati ang natanggap ko ngayon. Mayroon pang mga mensahe, pag-uusap, pangyayari at kung anu-ano pa. 

Swabe. Syempre alam ko na na sasabihan ako ng nanay at tatay ko ng "we love you" kasabay ng pagbati nila. Nkakataba lang ng puso (wag lang muna sana akong atakihin) dahil may ilang mga tao na nakausap ko ulit ng mas masinsinan. Parang ang daming tao na na-miss ko, at ngayon yung araw na nakausap ko sila. Swabe talaga. Naaalala pa rin pala ako.


Ang sarap ng pakiramdam na nakausap ko na ulit si NIna. Oo, si Nina. Sakto lang, binati nya ako. nagulat ako at alam pala niya yung number ko. Nagpalit na kasi ako nung nawala na kami. Swabe nga eh, ang gaan talaga sa pakiramdam kasi ilang buwan ko na rin kinikimkim itong guilt na nararamdaman ko sa pagkawala namin (hay nako, masyadong mahabang kwento kung uulitin ko nanaman dito. basta guilty ang hatol sa akin). Natural na kwentuhan na lang kami sa text, hingi ng sorry, biruan. Pero masaya, alam ko naman na masaya sya, at ganoon din naman ako. Naisip ko talaga lately kung babatiin ba niya ako. Naisip ko baka kung sakali, sa prenster nya na alang ako i-mmessage. Pero sa text niya ako binati, kaya mas malupit.

Kanina, may ginanap na misa sa grandstand para sa panimula ng week-long celebration ng paskuhan. Ang saya kasi pakiramdam ko, pinagmisahan talaga itong kaarawan ko (ang feelingnero ko naman). Para na rin siguro mabasbasan ako at makahingi ng tawad para man lang mabawasan ang mga kasalanan ko. Nagkaroon ng chance para mayakap kong isa-isa yung mga kaklase/kaibigan ko. Sayang nga lang kasi madaming wala. Kahit medyo wirdo sila, mahal ko yung mga yun. heheh

Jahe lang yung isang subject ko ngayon. May overload kasi ako. Umabsent yung isang magrereport, ayan inabutan tuloy ako. Eh wala pa man din akong hinanda dahil naisip ko na baka hindi ako abutin. Jahe talaga. Pero hindi naman major kabigatan yun. Mas mabigat pa siguro (sana) dun sa nag-absent.

Isa pang malupit na regalo na natanggap ko ngayong araw ay nanggaling kay pareng Eds. At dahil naging kklase niya si M, aba'y ang regalo niya sa akin ay ang pagpapakilala niya sa aming dalawa! Bukod sa noong October 29, 2008 na una ko siyang nakausap, ngayon na lang ulit. Hindi ko naman kasi siya nakausap noong nagulat ako sa pagkasalubong ko sa kanya sa corridor at napa-"hi ate" ako sa kanya. Hayun, tulad ng sabi nila, inatake daw ako ng ka-torpehan. haha. eh natural naman na sa akin yun. At isa pa, tamang source-of-kilig lang talaga si M. Kakaiba kasi ang ka-cute-an nya, at lagi pa siyang may butterfly sa buhok. pasweet talaga si ate. hehe. at least ngayon, kung sakaling masalubong ko ulit siya, mayroon nang rason para sa linyang  "I wish that you could stay, and we'll be talking for a while." haha. yun lang.

Sa mundo ng cyber-S. Cyber-Space, madami din mga tao na hndi ko naman inaasahan na papansinin tong araw na to. ayos. Nakakataba ng puso.

Grabe talaga yung biyayang natanggap ko ngayong araw. Sabayan pa ng isang buddy na walang sawang ngpapadala ng mga inspirational messages: Walang sawang ipinapa-realize sa akin na maganda talaga ang buhay, na wala talagang ibang tatalo sa pagmamahal na kayang ibigay sa akin ni Papa Lord. Sana madami pa siyang puso na ma-touch. Tulad ko na lang.

Napansin ko lang, ang dami kong nababasa na blog entries na gumagawa ng listahan ng pasasalamat sa mga taong bumati sa kanila sa kanilang kaarawan.  Sabi ko sa sarili ko, "hindi nga ako gagawa ng katulad noon, para malupit. Para deviant." Oh well, hindi naman ako gumawa. Hindi din naman ako gagawa. :p