ilang minuto na lang, tapos na ang araw ko. ganap na ang pagka-biente-uno ko. Sabi nga ni Nico, legal age na daw ito para mag-casino (sabay tayo NIco, happy birthday. Hindi tayo nagkita ngayong araw. Sayang).
Ayos! Hindi ko na maalala kung kailan yung huling kaarawan ko na natuwa ako ng ganito. Parang nagpaulan ng biyaya si Bossing ngayong araw.
Unang-una, oo natural naman siguro sa isang taong nagccelebrate ng kanyang kaarawan ang maghintay ng makaka-alala na bumati sa kanya. Nandoon na ako. Alam na ibig sabihin. hehe. Pero ang malupit, yung mga sasabihin pa ng mga tao sayo, bukod sa kanilang pagbati. Yun ang mas nakakapag-bigay ng excitement.
Nakakatuwa at nakakataba ng puso kasi hindi lang pag-bati ang natanggap ko ngayon. Mayroon pang mga mensahe, pag-uusap, pangyayari at kung anu-ano pa.
Swabe. Syempre alam ko na na sasabihan ako ng nanay at tatay ko ng "we love you" kasabay ng pagbati nila. Nkakataba lang ng puso (wag lang muna sana akong atakihin) dahil may ilang mga tao na nakausap ko ulit ng mas masinsinan. Parang ang daming tao na na-miss ko, at ngayon yung araw na nakausap ko sila. Swabe talaga. Naaalala pa rin pala ako.
Ang sarap ng pakiramdam na nakausap ko na ulit si NIna. Oo, si Nina. Sakto lang, binati nya ako. nagulat ako at alam pala niya yung number ko. Nagpalit na kasi ako nung nawala na kami. Swabe nga eh, ang gaan talaga sa pakiramdam kasi ilang buwan ko na rin kinikimkim itong guilt na nararamdaman ko sa pagkawala namin (hay nako, masyadong mahabang kwento kung uulitin ko nanaman dito. basta guilty ang hatol sa akin). Natural na kwentuhan na lang kami sa text, hingi ng sorry, biruan. Pero masaya, alam ko naman na masaya sya, at ganoon din naman ako. Naisip ko talaga lately kung babatiin ba niya ako. Naisip ko baka kung sakali, sa prenster nya na alang ako i-mmessage. Pero sa text niya ako binati, kaya mas malupit.
Kanina, may ginanap na misa sa grandstand para sa panimula ng week-long celebration ng paskuhan. Ang saya kasi pakiramdam ko, pinagmisahan talaga itong kaarawan ko (ang feelingnero ko naman). Para na rin siguro mabasbasan ako at makahingi ng tawad para man lang mabawasan ang mga kasalanan ko. Nagkaroon ng chance para mayakap kong isa-isa yung mga kaklase/kaibigan ko. Sayang nga lang kasi madaming wala. Kahit medyo wirdo sila, mahal ko yung mga yun. heheh
Jahe lang yung isang subject ko ngayon. May overload kasi ako. Umabsent yung isang magrereport, ayan inabutan tuloy ako. Eh wala pa man din akong hinanda dahil naisip ko na baka hindi ako abutin. Jahe talaga. Pero hindi naman major kabigatan yun. Mas mabigat pa siguro (sana) dun sa nag-absent.
Isa pang malupit na regalo na natanggap ko ngayong araw ay nanggaling kay pareng Eds. At dahil naging kklase niya si M, aba'y ang regalo niya sa akin ay ang pagpapakilala niya sa aming dalawa! Bukod sa noong October 29, 2008 na una ko siyang nakausap, ngayon na lang ulit. Hindi ko naman kasi siya nakausap noong nagulat ako sa pagkasalubong ko sa kanya sa corridor at napa-"hi ate" ako sa kanya. Hayun, tulad ng sabi nila, inatake daw ako ng ka-torpehan. haha. eh natural naman na sa akin yun. At isa pa, tamang source-of-kilig lang talaga si M. Kakaiba kasi ang ka-cute-an nya, at lagi pa siyang may butterfly sa buhok. pasweet talaga si ate. hehe. at least ngayon, kung sakaling masalubong ko ulit siya, mayroon nang rason para sa linyang "I wish that you could stay, and we'll be talking for a while." haha. yun lang.
Sa mundo ng cyber-S. Cyber-Space, madami din mga tao na hndi ko naman inaasahan na papansinin tong araw na to. ayos. Nakakataba ng puso.
Grabe talaga yung biyayang natanggap ko ngayong araw. Sabayan pa ng isang buddy na walang sawang ngpapadala ng mga inspirational messages: Walang sawang ipinapa-realize sa akin na maganda talaga ang buhay, na wala talagang ibang tatalo sa pagmamahal na kayang ibigay sa akin ni Papa Lord. Sana madami pa siyang puso na ma-touch. Tulad ko na lang.
Napansin ko lang, ang dami kong nababasa na blog entries na gumagawa ng listahan ng pasasalamat sa mga taong bumati sa kanila sa kanilang kaarawan. Sabi ko sa sarili ko, "hindi nga ako gagawa ng katulad noon, para malupit. Para deviant." Oh well, hindi naman ako gumawa. Hindi din naman ako gagawa. :p
16 comments:
wahahahah! dreen! tanda mo na! strip club na 'to!
hahaha kung ano man yun, sige ^^,
loves, sorry di ko lam when exact bday mo, and im bad at dates, so...
HAPPY BIRTHDAY!
miss u~
kita tayu paskuhan!
haha! si ddreen mangmang. ;p
Labyoo Dreen. Alamin mo kung ano ang stip club. Haha!
labyoo too sules ^^, hahah mangmang ko, ano ba un??? hahaha
happy birthday! though it's late =p
thanks kat n_n
late nrin ako pero happy birthday parin ! :D
haha salamat madam jan n_n
CA-SI-NO!
CA-SI-NO!
ahahahahahahahahah
haberdey sa mga pogi, brad!
tara CASINO Filipino na.! hahaha
extension ng pogi bertdey.! hehehe
boypulbo, boypulbo...
iloveyoulove
SHAYNE!!!!!! namiss kita. wala lang.:p bigla kitang nakita dito. hahahaha
happy birthday, ulit. ^_^
yey! ang saya ni dreen! :)
Post a Comment