Thursday, January 29, 2009

para sa dating IV-217 at ngayong 4CA4

babala: medyo madrama, madamdamin at emosyonal ang laman ng sulating ito. huwag sanang matawa. 



Parang kailan lang noong huling punta ko sa Caleruega. Apat na taon na din iyon. Retreat din namin, kung saan nahubog ang biyaya sa akin ng pagkakaibigan. Hindi ko naman siguro maituturing na kahinaan ang malungkot at maiyak tuwing uuwi sa bahay galing sa retreat. Sa palagay ko, simbolo lang ito na sobrang pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan na nabubuo ko kasama ang mga kaklase ko. 

Hayskul pa lang ako, crybaby na ako sa klase. Napaka-iyakin at madamdamin ko, lalo na tuwing nag-oopen forum. Hindi pwedeng hindi papatak ang mga luha mula sa mga mata ko. Yung pagiging iyakin ko ang tumatak sa mga kklase at kaibigan ko noong hayskul ako. Lagi nila akong binibiro, pero gustong gusto ko naman kasi ipinagmamalaki ko sa kanila, at sa lahat, kung gaano ko sila ka-mahal. Ngayon nga lang, sobrang bihira na lang kami nakakapagkita at nakakapag-usap. Mangilan-ngilan na lang ang nakakasama ko pa paminsan-minsan. Pero makalipas ang apat na taon, wala pa din nagbago sa akin. iyakin pa din ako.


Ngayong college na ako, at malapit nang matapos, nakahanap nanaman ako ng isa pang grupo ng mga kklase na nagpatibok ng puso ko tulad ng mga naging kklase ko noong hayskul ako. Hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit pag dating sa mga kaibigan, napaka-iyakin at madamdamin ko. Pero ipinagmamalaki ko iyon, dahil naging parte sila ng magandang buhay ko - dahil minsan sa buhay ko, nakahanap ako ng mga kaibigan sa kolehiyo na tumanggap sa akin. 

Sabi ko sa isang kklase ko, hindi ako iiyak sa retreat. Hindi nga ako umiyak - hindi ako umiyak nang nakikita nila. Lahat ng lungkot at pangamba ko, inilabas ko na at ipinaubaya na sa aking True Love - si Lord. Ewan ko ba kung bakit pinili ko na hindi ipakita sa kanila ung pag-hagulgol ko sa simbahan at sa kwarto at sa kung saan-saan pang lugar. Basta ang mahalaga, gumaan na ang loob ko at ang dami kong na-realize sa tatlong araw na retreat na iyon.

Sobrang nagpapasalamat talaga ako dahil mayroon akong mga kklase na katulad ng mga kakklase ko ngayon. Hindi lang sila nagtatapos sa buhay ko bilang mga kklase, isa sila sa mga itinuturing ko na mga tunay na kaibigan. Kahit minsan hindi maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, natutuwa ako dahil nanatili pa rin yung relasyon ko sa kanilang lahat. 

Hindi man siguro nila nahahalata, pero sobrang mahal ko ang mga taong iyon. Hindi man siguro ako madalas na showy, pero sobrang pinapahalagahan ko yung pagkakaibigan na mayroon kami.

Sabi ko nga sa kanila, kung mayroon akong isang ipagpapasalamat sa kanila, iyon ay ang oras na ibinahagi nila sa akin. Kung bakit - kasi hindi na mababawi ang mga oras na iyon. At ang bawat sandali ng ginugol nilang oras kasama ako, ay sobrang malaking biyaya para sa akin.

Itong kantang ito ay isa sa mga paborito ko. Pakiramdam ko si Lord Jesus Christ ang kumakausap sa akin tuwing pinapakinggan ko ito. Kaya ngayon, ibinabahagi ko ang awiting ito sa 4CA4 at syempre sa hayskul klasmeyts ko na IV-217. 



When clouds have turned to gray
And sunlights faded away
When hope is gone and
No one is around to light your way.

When all the words unkind
And friends seem hard to find
When love is cold and
No one's there to hold, you feel alone.

I'll be there when you call
Catch you each time you fall.
I'll be your light in the dark,
Hold you close to my heart.
You have my word, my friend
I'll be there.
I'll shelter you from the rain,
Help you ease all the pain.
Keep you safe in my arms
I'll never let you be harmed
I'll never leave your side, 
I'll be there, I'l always be there.

You're more than all the birds
and lilies of the earth.
More than anything I've known 
and everything I own.

I'll be there when you call
Catch you each time you fall.
I'll be your light in the dark,
Hold you close to my heart.
You have my word, my friend
I'll be there.
I'll shelter you from the rain,
Help you ease all the pain.
Keep you safe in my arms
I'll never let you be harmed
I'll never leave your side, 
I'll be there, I'l always be there.

Reach out and hold my hand
And we can fly up in the sky
Just believe that I'll always, 
I'll always be there for you,


I'll be there when you call
Catch you each time you fall.
I'll be your light in the dark,
Hold you close to my heart.
You have my word, my friend
I'll be there.
I'll shelter you from the rain,
Help you ease all the pain.
Keep you safe in my arms
I'll never let you be harmed
I'll never leave your side, 
I'll be there, I'l always be there.



Saturday, January 24, 2009

Himig Tomasino




Congrats sa AB Choral sa pagkakapanalo ng 1st runner-up sa timpalak. Saludo ako sa inyo! :)


sa sobrang dami ng tao na nanuod, hindi ko na nagawang umalis sa lugar ko.


himig tomasino_13

himig tomasino_12


himig tomasino_37

himig tomasino_35

himig tomasino_32

himig tomasino_23

himig tomasino_20

himig tomasino_16

himig tomasino_15

himig tomasino_13

himig tomasino_9

himig tomasino_5

Sunday, January 18, 2009

Project-Prospect_365 (Kailan ang Birthday Mo?)

Malamang nawiwirduhan yung mga tinext ko dahil out of the blue, tinanong ko sila kung kailan ang kanilang kaarawan. Sinagot ko naman, kaya lang nakakapagod magreply sa mga text na paulit ulit naman ang tanong. Pero sinagot ko pa rin kahit nakakapagod.


Ganito ang mangyayari sa proyektong ito:

- kailangan kong makumpleto ang lahat ng araw sa kalendayro ng mga listahan ng may birthday. 


Ang Goal:

- huntingin ang may birthday sa bawat araw at magpalibre (syempre biro lang to. Pero hindi naman siguro masama kung tototohanin).


Ang Project-Prospect-365 (PP-365) ay may layunin na itala ang kaarawan ng mga taong malapit kay boypulbo. Syempre, hindi lang sa malalapit, kundi pati na rin ang mga taong hindi man ganon ka-malapit kay boypulbo, ay itinuturing pa rin niyang parte ng kanyang mundo. Mainam din kung may maitala na mga idol ni boypulbo sa larangan ng potograpiya, malayang pelikula, sining, tula at musika.

Sa kasalukuyan, mayroon nang halos 80 ang nakalista - wala pa sa kalahati. 


Ano nga bang benepisyo ang makukuha ng mga taong nasa listahan?

- lifetime greeting tuwing birthday (kasi hindi ko na makakalimutan. masyado kasi akong makakalimutin, particularly sa mga pangalan at birthday)

- at least 2% chance na mabigyan ng regalo (bakit 2%? wala lang. gusto ko lang. walang mathematical explanation ito)


Ngayon, tatanungin ko sana kung kailan ang araw ng kapanganakan ninyo. Nakalagay naman na sa itaas ng mga paliwanag. Kung mayroon mga katanungan hinggil sa proyektong ito, maaring magreply lamang. ito ay free-flowing discussion at open forum.

Monday, January 12, 2009

wrong surname of the goat




Photobucket


ayan. konting tiis na lang makukuha ko na rin ang tinatamasa kong diploma.

"oo, ggraduate ako." yan ang sagot ko sa tuwing may nagtatanong sa akin. with conviction, with pride. hindi pweden hindi ako makapag marcha ngayon march. hindi ko pwedeng biguin ang mga taong sumuporta at naniwala sa akin.

sa apat na taon ko sa kolehiyo, madami din akong natutunan. hindi lang sa loob ng klasrum, kundi pati na rin sa labas. madami na ding mga karanasan ang bumalot sa akin.

iba daw ang buhay sa labas ng klasrum. malayong malayo daw. siguro nga kaya ganun na lang ang pag-ppressure ng mga prof sa estudyante - para masanay sa buhay sa labas.

bilang estudyante, naranasan ko nang pagpuyatan at hindi tulugana ng isang project. tapos kinabukasan ay hindi naman pala tatanggapin. masakalap, oo, pero tinanggap ko na lang dahil hindi lang naman siguro ganun ang mangyayari sa akin sa future.

natutunan ko ang art of cramming. first year pa langa ko, inoorient na kami na huwag masanay sa pag-ccram. siguro mabibilang ko lang sa dalawang kamay ko kung ilang beses ko hindi nag cram sa buong colllege life ko. natutunan kong pigain ang "creative juices" ko lalo na kung madaling araw. naging nocturnal ako dahil sa college life.

madalas mangyari sa akin na may kailangan ipasa na term paper, tapos gagawin ko 2 nights bago ang deadline.

naranasan ko din - hindi lang ako, pati mga kklase ko din - na hindi matulog ng isang linggo dahil sabay-sabay ang deadlines na hinahabol. kung minsan nababawasan na ung quality ng pinaka-huling ipapasa dahil nabuhos na ang lahat sa mga nauna.

sa mga quest-quest, naranasan na namin ang manalo at matalo. madaming magagaling, kaya may ilang beses na nangulelat ang klase namin. pero kahit ganon, meron din naman kaming "field". kahit paano ay nakakuha din kami ng mangilan-ngilan na awards para sa mga quest-quest.

naranasan ko na rin na magpresent nang walang boses. possible ba un? oo, possible. sa tulong ng strepsils at salabat, nakapagpresent ako dati kahit wala akong boses.

isa pang nangyari sa akin ay ang pagtawanan ng buong klase dahil sa maling pronunciation ko ng "pursue". sinadya ko talaga un para makuha ang attention nila. naging successful naman ako. hehe pero pinagtawanan pa rin talaga ako.

siguro naranasan din ng ba ito: yun bang mag-aaral at maghahanda ka para sa isang madugong recitation. dalawang gabi kang hindi matutulog dahil alam mong tatawagin ka na. sunog ng kilay, inom ng isang litrong kape para magising. pag dating ng araw ng recitation, hindi ka matatawag. hindi ko alam kung ano'ng magiging rekasyon ko sa tuwing nangyayari sa akin yun.

minsan naman, kampante ako na hindi ako matatawag. so, matutulog na lang ako. sabay...

prof: (bunot ng index card) ORQUETA
ako: (tatayo sabay bulong..) patay

wala na akong ibang magawa kundi sumagot ng napaka general na answer. yun bang napaka-applicable sa maraming situation. ang iba pang technique na ginawa ako ay ang mag crack-a-joke na lang para mabawasan ang oras. minsan epektib, madalas hindi.

yung mga estudyante, mayroong tinatawag na hell week. minsan hell sem, minsan hell month. hindi ko na mabilang kung ilang beses na din naming naranasan yun. sabay-sabay lahat ng requirements. yun bang tipong gusto ko nang hatiin ang katawan ko para lang magawa ang mga bagay-bagay.

ilang overnight na rin ang naranasan ko. minsan napapagalitan na ako dahil lagi akong wala sa bahay. inisip ko na lang, siguro hindi pa uso ang overnight noong panahon nila. kaya siguro sila nagtataka kung bakit ako madalas wala sa bahay.

madaming beses din na may nakatampuhan ako sa klase. pero dahil hindi ko talaga kaya na may ka-conflict, lalo na sa mga kklase ko, nagpapasalamat talaga ako dahil hindi nagtagal ang mga tampuhan na iyon. jahe kasi kapag hindi ko sila kinausap, kahit nakakasalubong ko na.

sa thesis, hindi pala talaga nawawala ang tampuhan among the members. ilang beses na rin nangyari sa amin yun, pero buti na lang at nakatayo pa rin kami. buti na lang at hindi namin napepersonal yung mga maliit na tampuhan. at dahil dyan, gusto kong magpasalamat kay Mark, Eloi, at Max dahil lagi kaming buo pa rin. kahit na noong una ay gusto ko nang magsolo, hindi nila hinayaan yun. mabuhay tayo! ggraduate tayo!

siguro sa totoong buhay sa labas, mas matinding pressure ang naghihintay hindi lang sa akin, kundi pati sa mga kapwa ko magtatapos ngayong taon.

parang kailan lang, bata pa ako. ngayon mukha pa rin akong bata. CHOS!

4 years ago, tinatanong din ako ng tita ko kung ggraduate ko ng HS. "syempre naman." yan ang sagot ko. ngayon, sa college naman ako matatapos, yun pa rin ang isasagot ko kapag may magtatanong ulit sa akin. hindi pwedeng hindi.

wag sanang mausog.

ang unang TV ad na nagpaiyak sa akin




as part of the audience, and as a consumer as well, all i can say is WOW! this is really a great ad! hands down sa copyrighter nito. as far as i know, mccann yata ang ad agency nito.

and yeah, katulad ng title ng post na ito, ito ang unang unang tv ad na nakapag pa-luha sa akin. unang kita ko pa lang, naiyak na ako. hahaha

Wednesday, January 7, 2009

overjoyed (way of escapism to the real world)

from theo

Here are the rules:

1. Put your iTunes on shuffle.
2. For each question, press the next button to get your answer
3. YOU MUST WRITE THAT SONG NAME DOWN NO MATTER HOW SILLY IT SOUNDS
4. Tag at least 10 friends who might enjoy doing the game as well as the person you got the note from.

1) IF SOMEONE SAYS "IS THIS OKAY" YOU SAY?
my favorite accident - motion city soundtrack .. walang wenta

2) WHAT WOULD BEST DESCRIBE YOUR PERSONALITY?
california - copeland .. wala pa rin wenta

3) WHAT DO YOU LIKE IN A GUY/GIRL?
just a taste - sksk .. hahahahah pambihira!

4) HOW DO YOU FEEL TODAY?
northern downpour - panic! .. boring result

5) WHAT IS YOUR LIFE'S PURPOSE?
never let this go - paramore .. wow ah, hahaha

6) WHAT IS YOUR MOTTO?
five four three two one - a rocket to the moon .. tssss

7) WHAT DO YOUR FRIENDS THINK OF YOU?
almost what i though - dreen .. ano nga ba?

8) WHAT DO YOU THINK ABOUT OFTEN?
so sick (tagalog version) - mike kosa .. wasak!

9) WHAT IS 2+2?
shaider - unknown artist .. putragis na shaider! hahaha

10) WHAT DO YOU THINK OF YOUR BEST FRIEND?

i wanna love you - the maine .. 

11) WHAT DO YOU THINK OF THE PERSON YOU LIKE?

the faint of hearts - coheed .. aba naman

12) WHAT IS YOUR LIFE STORY?

barbero - giniling festival .. nasisiraan na ako dito ah hahaha

13) WHAT DO YOU WANT TO BE WHEN YOU GROW UP?

kapag sinabi ko sayo - gary granada ... aba, seryoso to ah.

14) WHAT DO YOU THINK WHEN YOU SEE THE PERSON YOU LIKE?

radios in heaven - plain white t's .. nyak

15) WHAT WILL YOU DANCE TO AT YOUR WEDDING?

hopeless love - daphne loves derby .. MY GOSH!!!

16) WHAT WILL THEY PLAY AT YOUR FUNERAL?

antidote for irony - STS hahahaha

17) WHAT IS YOUR HOBBY/INTEREST?

sm theme song - unknown artist .. hahahah patok!

18) WHAT IS YOUR BIGGEST SECRET?

the last thing i want to do - ciudad .. pwede

19) WHAT DO YOU THINK OF YOUR FRIENDS?

paglisan - color it red .. whoa!!! 

20) WHAT'S THE WORST THING THAT COULD HAPPEN?

mr politician - peacepipe 

21) HOW WILL YOU DIE?

bano - giniling festival .. loser talaga

22) WHAT IS THE ONE THING YOU REGRET?

on and on - number one gun .. nah, i dont

23) WHAT MAKES YOU LAUGH?


hero/heroine - BLG .. toinks

24) WHAT MAKES YOU CRY?

forget - typecast .. wooohooooo!

25) WILL YOU EVER GET MARRIED?

my game - mike kosa .. 

26) WHAT SCARES YOU THE MOST?

soccerfield - publico

27) DOES ANYONE LIKE YOU?

clocks - coldplay .. nyak

28) IF YOU COULD GO BACK IN TIME, WHAT WOULD YOU CHANGE?

baby we're invincible - rocket to the moon ..

29) WHAT HURTS RIGHT NOW?

fighting is over - urbandub .. ohno!

30) WHAT WILL YOU POST THIS NOTE AS?

overjoyed - waking ashland

nakakahiya ako!

Martes, wala akong pasok. Isang araw para ayusin ang isang nirurush na requirement sa broad-journ course. interbyu sa umaga, uwi saglit, balik sa skool para magshoot nanaman.

Tungkol kasi sa medyo pasaway na banyo ang tinatalakay namin para requirement na dokyu. so, kinakailangan maipakita yung facilities ng iba't-ibang banyo.

Nagpunta na ako sa AB building, main at educ. tinetyempuhan ko na walang tao sa bawat banyo, dahil medyo investigative ang atake ko sa pagkuha ng shot.

Hanggang sa pinuntahan ko na ang Engineering building. ayos! doon ko sana talaga gusto, pero unfortuntely wala na akong slot doon, prior to my enrollment dati. anyhow, pumasok na ako sa isang banyo. as usual, tinetyempuhan ko talaga na walang tao. 

Umakyat ako sa taas para sa isa pang palikuran. nakakita ako. nabighani ako kasi ang ganda! ang linis pa! agad kong kinuha yung camera para kumuha pa ng ilang b-rolls. maya-maya, may narinig akong mga paparating. agad kong niligpit ung gamit ko at nagkunwaring naghuhugas ng kamay...

imagine *la la la la, hugas kamay, hugas kamay*

sabay pag talikod ko, dalawang magandang babae na engineering student ang nakatingin sa akin! MY GOSH! napasabi na lang ako ng, "ay... sorry." sabay narinig ko na lang yung dalawang babae na natawa sa akin.

ang tanga ko. hindi ko man lang napansin na walang urinal sa dingding ung banyo. puro cubicle lang. masyado akong na-excite sa kagandahan ng palikuran nila.

buti na lang wala yatang tao sa loob nung pagpasok ko. sobrang sandali lang talaga ako sa loob noon. sabagay, wala naman akong naaalala na mayroong nakasarang cubicle. baka kasi kung anong isipin nung dalawang magandang babae.

nanalamig ako paglabas. nahiya. buti na lang at hindi ako naka-uniform, kundi, patay.


Sunday, January 4, 2009

Friday, January 2, 2009

FTW!? Benta 'to!




hahahahah natawa ako nung nakita ko 'to! inaantok na ako pero nawala bigla yung antok ko! hahaha

wala naman palang remake, ayon kay Sir Bong Osorio, PR Head ng ABS-CBN. Nabasa ko lang sa blog ni Nico Regino.

kung pano man nagawa ang layout na to, hindi ko masasabi. hahaha

pambihira, natawa talaga ako! hahahahahaa

Photobucket

lightroom trial




Photobucket


ooops, parang ayaw ko na mag shoot in RAW format. ok din pala adobe lightroom. nyahaha

Thursday, January 1, 2009

sparkles




weeeee


wala, tinatamad lang ako maglagay ng kwento.

Photobucket

Photobucket

Photobucket