Thursday, January 29, 2009

para sa dating IV-217 at ngayong 4CA4

babala: medyo madrama, madamdamin at emosyonal ang laman ng sulating ito. huwag sanang matawa. 



Parang kailan lang noong huling punta ko sa Caleruega. Apat na taon na din iyon. Retreat din namin, kung saan nahubog ang biyaya sa akin ng pagkakaibigan. Hindi ko naman siguro maituturing na kahinaan ang malungkot at maiyak tuwing uuwi sa bahay galing sa retreat. Sa palagay ko, simbolo lang ito na sobrang pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan na nabubuo ko kasama ang mga kaklase ko. 

Hayskul pa lang ako, crybaby na ako sa klase. Napaka-iyakin at madamdamin ko, lalo na tuwing nag-oopen forum. Hindi pwedeng hindi papatak ang mga luha mula sa mga mata ko. Yung pagiging iyakin ko ang tumatak sa mga kklase at kaibigan ko noong hayskul ako. Lagi nila akong binibiro, pero gustong gusto ko naman kasi ipinagmamalaki ko sa kanila, at sa lahat, kung gaano ko sila ka-mahal. Ngayon nga lang, sobrang bihira na lang kami nakakapagkita at nakakapag-usap. Mangilan-ngilan na lang ang nakakasama ko pa paminsan-minsan. Pero makalipas ang apat na taon, wala pa din nagbago sa akin. iyakin pa din ako.


Ngayong college na ako, at malapit nang matapos, nakahanap nanaman ako ng isa pang grupo ng mga kklase na nagpatibok ng puso ko tulad ng mga naging kklase ko noong hayskul ako. Hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit pag dating sa mga kaibigan, napaka-iyakin at madamdamin ko. Pero ipinagmamalaki ko iyon, dahil naging parte sila ng magandang buhay ko - dahil minsan sa buhay ko, nakahanap ako ng mga kaibigan sa kolehiyo na tumanggap sa akin. 

Sabi ko sa isang kklase ko, hindi ako iiyak sa retreat. Hindi nga ako umiyak - hindi ako umiyak nang nakikita nila. Lahat ng lungkot at pangamba ko, inilabas ko na at ipinaubaya na sa aking True Love - si Lord. Ewan ko ba kung bakit pinili ko na hindi ipakita sa kanila ung pag-hagulgol ko sa simbahan at sa kwarto at sa kung saan-saan pang lugar. Basta ang mahalaga, gumaan na ang loob ko at ang dami kong na-realize sa tatlong araw na retreat na iyon.

Sobrang nagpapasalamat talaga ako dahil mayroon akong mga kklase na katulad ng mga kakklase ko ngayon. Hindi lang sila nagtatapos sa buhay ko bilang mga kklase, isa sila sa mga itinuturing ko na mga tunay na kaibigan. Kahit minsan hindi maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, natutuwa ako dahil nanatili pa rin yung relasyon ko sa kanilang lahat. 

Hindi man siguro nila nahahalata, pero sobrang mahal ko ang mga taong iyon. Hindi man siguro ako madalas na showy, pero sobrang pinapahalagahan ko yung pagkakaibigan na mayroon kami.

Sabi ko nga sa kanila, kung mayroon akong isang ipagpapasalamat sa kanila, iyon ay ang oras na ibinahagi nila sa akin. Kung bakit - kasi hindi na mababawi ang mga oras na iyon. At ang bawat sandali ng ginugol nilang oras kasama ako, ay sobrang malaking biyaya para sa akin.

Itong kantang ito ay isa sa mga paborito ko. Pakiramdam ko si Lord Jesus Christ ang kumakausap sa akin tuwing pinapakinggan ko ito. Kaya ngayon, ibinabahagi ko ang awiting ito sa 4CA4 at syempre sa hayskul klasmeyts ko na IV-217. 



When clouds have turned to gray
And sunlights faded away
When hope is gone and
No one is around to light your way.

When all the words unkind
And friends seem hard to find
When love is cold and
No one's there to hold, you feel alone.

I'll be there when you call
Catch you each time you fall.
I'll be your light in the dark,
Hold you close to my heart.
You have my word, my friend
I'll be there.
I'll shelter you from the rain,
Help you ease all the pain.
Keep you safe in my arms
I'll never let you be harmed
I'll never leave your side, 
I'll be there, I'l always be there.

You're more than all the birds
and lilies of the earth.
More than anything I've known 
and everything I own.

I'll be there when you call
Catch you each time you fall.
I'll be your light in the dark,
Hold you close to my heart.
You have my word, my friend
I'll be there.
I'll shelter you from the rain,
Help you ease all the pain.
Keep you safe in my arms
I'll never let you be harmed
I'll never leave your side, 
I'll be there, I'l always be there.

Reach out and hold my hand
And we can fly up in the sky
Just believe that I'll always, 
I'll always be there for you,


I'll be there when you call
Catch you each time you fall.
I'll be your light in the dark,
Hold you close to my heart.
You have my word, my friend
I'll be there.
I'll shelter you from the rain,
Help you ease all the pain.
Keep you safe in my arms
I'll never let you be harmed
I'll never leave your side, 
I'll be there, I'l always be there.



18 comments:

Hopscotch Events said...

awwww.......thanks drin :'c..ca4 i love u!

dreen oh! said...

u're welcome, and i thank you :)

same as dreen loves ca4 a lot ^^, naiiyak nnaman ako, pambihira. haha

jesus calupitan said...

one of the thing na nmmis ko sa skul..ung friendships..pero as always..nothing's permanent..we need to let go and move on :(

kai docot said...

mahal kita frosty :((

dreen oh! said...

we really dont know. =I salamat sa mga adbiso, papi :)

dreen oh! said...

ako din frosty :)

oNe CaRpiO said...

haist... tamad n me magbasa... bukas n lng... hehehe

Alyssa Herrera said...

aww.. we love you too hottie..

angelica dominguez said...

awww... :) salamat bf!

dreen oh! said...

ibabalik ko din, salamat ng madami :)

dreen oh! said...

salamat din gerfren :)

Em Flores said...

bakla ka talaga, girl hehe. kakatouch :)

Kristoffer Malinao said...

labyu dreen. :D kahit hnd mo ko nging kaklase. dito parin ako.

kaibigan mo. :)

Doom Slayer said...

nice song... (-.o)

dreen oh! said...

matagal na akong bakla. hahaha

dreen oh! said...

bakla talga ako. hahahaha :)

dreen oh! said...

oo naman. kklase kita sa puso ko. hehe

dreen oh! said...

very nice :)