Monday, January 12, 2009

wrong surname of the goat




Photobucket


ayan. konting tiis na lang makukuha ko na rin ang tinatamasa kong diploma.

"oo, ggraduate ako." yan ang sagot ko sa tuwing may nagtatanong sa akin. with conviction, with pride. hindi pweden hindi ako makapag marcha ngayon march. hindi ko pwedeng biguin ang mga taong sumuporta at naniwala sa akin.

sa apat na taon ko sa kolehiyo, madami din akong natutunan. hindi lang sa loob ng klasrum, kundi pati na rin sa labas. madami na ding mga karanasan ang bumalot sa akin.

iba daw ang buhay sa labas ng klasrum. malayong malayo daw. siguro nga kaya ganun na lang ang pag-ppressure ng mga prof sa estudyante - para masanay sa buhay sa labas.

bilang estudyante, naranasan ko nang pagpuyatan at hindi tulugana ng isang project. tapos kinabukasan ay hindi naman pala tatanggapin. masakalap, oo, pero tinanggap ko na lang dahil hindi lang naman siguro ganun ang mangyayari sa akin sa future.

natutunan ko ang art of cramming. first year pa langa ko, inoorient na kami na huwag masanay sa pag-ccram. siguro mabibilang ko lang sa dalawang kamay ko kung ilang beses ko hindi nag cram sa buong colllege life ko. natutunan kong pigain ang "creative juices" ko lalo na kung madaling araw. naging nocturnal ako dahil sa college life.

madalas mangyari sa akin na may kailangan ipasa na term paper, tapos gagawin ko 2 nights bago ang deadline.

naranasan ko din - hindi lang ako, pati mga kklase ko din - na hindi matulog ng isang linggo dahil sabay-sabay ang deadlines na hinahabol. kung minsan nababawasan na ung quality ng pinaka-huling ipapasa dahil nabuhos na ang lahat sa mga nauna.

sa mga quest-quest, naranasan na namin ang manalo at matalo. madaming magagaling, kaya may ilang beses na nangulelat ang klase namin. pero kahit ganon, meron din naman kaming "field". kahit paano ay nakakuha din kami ng mangilan-ngilan na awards para sa mga quest-quest.

naranasan ko na rin na magpresent nang walang boses. possible ba un? oo, possible. sa tulong ng strepsils at salabat, nakapagpresent ako dati kahit wala akong boses.

isa pang nangyari sa akin ay ang pagtawanan ng buong klase dahil sa maling pronunciation ko ng "pursue". sinadya ko talaga un para makuha ang attention nila. naging successful naman ako. hehe pero pinagtawanan pa rin talaga ako.

siguro naranasan din ng ba ito: yun bang mag-aaral at maghahanda ka para sa isang madugong recitation. dalawang gabi kang hindi matutulog dahil alam mong tatawagin ka na. sunog ng kilay, inom ng isang litrong kape para magising. pag dating ng araw ng recitation, hindi ka matatawag. hindi ko alam kung ano'ng magiging rekasyon ko sa tuwing nangyayari sa akin yun.

minsan naman, kampante ako na hindi ako matatawag. so, matutulog na lang ako. sabay...

prof: (bunot ng index card) ORQUETA
ako: (tatayo sabay bulong..) patay

wala na akong ibang magawa kundi sumagot ng napaka general na answer. yun bang napaka-applicable sa maraming situation. ang iba pang technique na ginawa ako ay ang mag crack-a-joke na lang para mabawasan ang oras. minsan epektib, madalas hindi.

yung mga estudyante, mayroong tinatawag na hell week. minsan hell sem, minsan hell month. hindi ko na mabilang kung ilang beses na din naming naranasan yun. sabay-sabay lahat ng requirements. yun bang tipong gusto ko nang hatiin ang katawan ko para lang magawa ang mga bagay-bagay.

ilang overnight na rin ang naranasan ko. minsan napapagalitan na ako dahil lagi akong wala sa bahay. inisip ko na lang, siguro hindi pa uso ang overnight noong panahon nila. kaya siguro sila nagtataka kung bakit ako madalas wala sa bahay.

madaming beses din na may nakatampuhan ako sa klase. pero dahil hindi ko talaga kaya na may ka-conflict, lalo na sa mga kklase ko, nagpapasalamat talaga ako dahil hindi nagtagal ang mga tampuhan na iyon. jahe kasi kapag hindi ko sila kinausap, kahit nakakasalubong ko na.

sa thesis, hindi pala talaga nawawala ang tampuhan among the members. ilang beses na rin nangyari sa amin yun, pero buti na lang at nakatayo pa rin kami. buti na lang at hindi namin napepersonal yung mga maliit na tampuhan. at dahil dyan, gusto kong magpasalamat kay Mark, Eloi, at Max dahil lagi kaming buo pa rin. kahit na noong una ay gusto ko nang magsolo, hindi nila hinayaan yun. mabuhay tayo! ggraduate tayo!

siguro sa totoong buhay sa labas, mas matinding pressure ang naghihintay hindi lang sa akin, kundi pati sa mga kapwa ko magtatapos ngayong taon.

parang kailan lang, bata pa ako. ngayon mukha pa rin akong bata. CHOS!

4 years ago, tinatanong din ako ng tita ko kung ggraduate ko ng HS. "syempre naman." yan ang sagot ko. ngayon, sa college naman ako matatapos, yun pa rin ang isasagot ko kapag may magtatanong ulit sa akin. hindi pwedeng hindi.

wag sanang mausog.

64 comments:

chat kick said...

Wow Dreen...I feel for you...hehehehe...Congrats!.:D..Kudos...iba nga sa labas ng klasrum...madaming iniisip pero kung titingnan at susuriing mabuti, mas mahirap mag-aral pero masayang gawin...mas may challenge 'ika nga..Kaya ako nais ko pa ring makabalik sa pag-aaral muli ng bagay na wala pa akong gaanong kaalaman.

Dito sa labas kasi madamikang iniisip, kesa sa loob ng paaralan nakatutok sa pag-aaral pero may times na nag-iisip ka na rin naman on the outside issues...pero mas pinapayuhan ka na i-focus sa pag-aaral...:D

Ito lang ang payo ko kahit kanino applicable ito, cliche na nga eh..."Take it one step at a time"...Cramming?...sanayan na lang yan..hehehehe...kahit sa work mararanasan mo yan...lol=))

dreen oh! said...

but nga nadevelop ko na ang art of cramming. hahahah hindi na ako magugulat sa tunay na mundo. hehehe

chat kick said...

Good for you...^_^...it is really an art...;p

Kimi Buendia said...

YEY :)

Grei Mangcucang said...

wow congrats... nakakarelate naman ako masyado sa art of cramming... XD

casey dy said...

o pano yan oraveta? ahahaha

dreen oh! said...

ORQUETA naman ung nasa folder nila eh. hehe

casey dy said...

nayanig ako sa blog mo ganyan dn feeling ko kaso nga lang pagka tnatanong ako sinasabi ko "sana" pero now i learned.. with conviction!! OO GGRADUATE AKO ahahaha ayos bes! teka nga pala bka frday ang deal nlng ntn after P.R kasi busy or linggo pwede kba? mga 7pm ng linggo. bat wala ka sa ym?

Abu Hibek said...

oo. gagraduate tayo. oh yesss! goodluck saten lahat!

Alex Caparas said...

hahahahaha!! XD sana ganyan din grad pic ko! >p

Pola Polintan said...

ayos! ggraduate na sya!

jesus calupitan said...

enjoy mo ung moment..challenging ung kasunod..take it from me :D

stacy concepcion said...

congrats dreen! :) im so happy for you! :) muka ka din namang happy khit wrong surname ung nakasulat.. haha! :p

oNe CaRpiO said...

parang ayaw ngumiti...


ngiti nman dyan masyado serious eh.... hahahahhaha

dreen oh! said...

sa totoo lang, ikaw nga naiisip ko nung nagttype ako eh. hahahah muah!

dreen oh! said...

hahah oo naman, kahit oraveta ung nakalagay. hahaha legend toh ^_^

libre mo ko ah? heheh

dreen oh! said...

nakakalungkot kasi eh, iba surname ko eh =/ hehe

Cat Valiente said...

hiyesssssssssssss!!! wohoo!!

Lallaine Taguiam said...

oo naman!, GRAGRADUATE TAYO!!! sa ayaw at gusto nila, hahaha

dreen oh! said...

lalaban ako ng tagaan ng itak! hahahaah

ralph yabes said...

drama mo boy!hahaha
baka hnd naintindihan ung sulat mo kaya mali surname.hahah

Janis Robles said...

Congratulations Dreen! Sigurado ako at sobrang proud sayo ang mga parents mo. Siguro ngayon papayagan ka na nilang mag overnight. hehehe..ngek. ang labo.

Pero mas mahirap nga sa labas ng classroom. Walang chairs at wala kang mga katabing makokopyahan. hehhehe..Pero ok lang, maski laging walang maupuan, marami kang makikitang karamay, bagong kaibigan at lumang seatmate sa buhay. at sa labas ng klasrum, ok lang ang magkopyahan, dahil kayo kayo na lang naman non. Siguraduhin mo lang na tamang tao ang malalapitan mo para sa mga sagot sa buhay. (CHOS!)

Congratulations!

dreen oh! said...

HS pa lang kasi tayo, parang kinalahig na ng manok ung sulat ko eh. hahhahahah

dreen oh! said...

heheh thanks te janis :)

nalimutan ko ilagay sa taas: natutunan ko ngyong college life ang pag-rroam-around ng mata pag quiz. pero ang hindi ko natutunan, ung pagrroam-around ng mata pag major exam, pag gawa ng kodigo at ung tinatawag nilang "pasagot". hahahaha

cheers!

Janis Robles said...

hehe...di ko alam.di ko talaga naranasan mangopya. pero siguro kaya di ako nakagraduate, dahil don.hahaha...lol

ralph yabes said...

hahaha...oks lang yan..
sarap sana bumalik ng HS e...
shet!

dreen oh! said...

hahahah ganun? sana sinubukan mo din kahit isang beses lang. heheh

Jud Ü said...

congrats :D

dalandhan dhajdasns said...

mahirap na masaya sa tunay na mundo ng corporate shitness!! hahaha

Hopscotch Events said...

anu b yan drin d mo tinaggal balbas mo wahhaha!...anyway drin haha.Ggraduate tayo ng sbay sbay wlang maiiwan!... =)..We can do this ilang weeks nlng!!.

P.S. Cnu c Oraveta? haha! :))

dreen oh! said...

wag muna, wish me luck muna. heheh

dreen oh! said...

pretty much excited of that. haha

dreen oh! said...

lagi nalang kasing bagong ahit ang mga larawan ng lalaki sa grad pic. ayan para maiba naman. hahah

goodluck saten gurl ^^,


si Oraveta ay...

...ewan ko din. hahaha

Abbie Sarmiento said...

sana di mausog ;p

dreen oh! said...

pwera usog. heheh

Yves Marcelo said...

Congrats! Puge!

dreen oh! said...

wish me luck and strength muna, bago ang lahat. hehehe

Jud Ü said...

ayy ganun ba? GOODLUCK! ^^
kaya yan! (close?)

dreen oh! said...

hahaha baliw ka! ;p

thanks :)

Yves Marcelo said...

I do wish you good luck opcors! E pareho tayo ggraduate this March. :) Why strenght?

dreen oh! said...

yeah! hehehe

str para sa natitirang mga linggo. heheh sana hindi tayo mag collapse. hehehe

lean george barrios said...

ORAVETA nyahahahahah tae yan heheheh

dreen oh! said...

BALIW!

lean george barrios said...

ORAVETA HAHAHAH

Norbecks Lamina said...

haha..aldrin oraveta ka na pala ngaun eh..
hehehe
astig ka brother! :)

伯尔尼 Bernice Fregil said...

Congratulations :))

dreen oh! said...

wish me luck muna. hehehe :p

dreen oh! said...

oyeah hahaha

Katrina Hsi said...

congratulations po =D

SHALLY bangsh said...

happy graduate. wahaha =D

Shayne Guevara said...

sino si oraveta aldrin? hahahahahaha

RosalinDUH Stöcker said...

Panalo lang e. Swak mukha mo sa Oroveta. HAHAHA! :P

伯尔尼 Bernice Fregil said...

Kaya yan. Hinga malalim =P

szweeney petalver said...

OARAVETA MARKOWBA...hahahah! nux! ggrduate na xaaa.. invited kami sa clbration ahhh

dreen oh! said...

markoba amph! hahahaah baliw

dreen oh! said...

markoba amph! hahahaah baliw

Jud Ü said...

ahaha! damn. online buddies alam na sikreto ko. :))

oh well... sana makagraduate din ako on time! XD

satti satti said...

naka naman!!!! dreen naalala ko s frndstr lng tau ngkklla ng 1st yr college. hahahahaa! ampogi oh!

dreen oh! said...

haha baliw ka! dun ba? diba sa freedom bar? haha

satti satti said...

frndstr pre! cgrdo ako tpos actual meeting ntn s freedom! hahaha! sbi m p skn s freedom nun "ako ung frnd n yapi!" gay! hahahhahaa!

batman esguerra said...

oraveta amp. haha. =D

dreen oh! said...

ampanget kasi ng sulat ko eh. hhehehe

batman esguerra said...

haha oks lang panget sulat basta gumraduate. =D

angelica dominguez said...

hahahaha chunga chunga sa spelling!