Sunday, February 8, 2009

I'm in love

 With each passing day, I admit, I am falling deeper and deeper in love with this Person. Just a thought that this Person is with me really means everything to me. 

The feeling is really amazing. This fire in my heart continues to burn more and more each day, making me proud to say to the world that I AM IN LOVE WITH MY LORD.


Malapit na ang Valentines day, and I am thinking of something na mabibigay ko at magagawa ko para sa Kanya. Perhaps a prayer or a letter specially dedicated for Him. O kaya siguro tumulong na paramihin pa ang mga taong in love sa Kanya.

Kanina, sabi ni Father Rex sa kanyang homily, baliktad na ang mundo ngayon.

Mga babae, nagsusuot ng panlalaki.
Mga lalaki, nagsusuot ng pambabae.
Mga maputi, nagpapa tan.
Mga maiitim, nag gglutathione at kung ano-ano pa.
Mga bata, inuutusan na ang nakaktanda.

Madami pang binigay na halimbawa si padre, pero ang punto de vista, mas pina-prioritize natin ang physical healing sa halip na makinig sa Salita ng Diyos. Sa gospel ngayong araw, yun din ang sinabi ni Jesus Christ nung tinanong siya ni Peter kung bakit hindi na siya nanggamot. Pumunta lang daw kasi ang mga tao sa kanya para magpagamot ng physical na karamdaman, kaya umakyat muna Siya sa bundok para magdasal. Ang misyon kasi ni Jesus Christ ay magpahayag ng mabuting balita. Sabi ni padre, secondary na lang ang pagpapagaling.

Mas mainam siguro if we will open not only our ears, but also our hearts, in listening to the word of God. At mas mainam kung pupunta tayo sa simbahan hindi para humingi ng bagay-bagay, kundi para makinig sa Kanyang Salita at sumamba.

Inaamin ko, may mga panahon na nabigo ko din si Lord. Tao lang ako. Mahina. Pero ang mahalaga sa akin, ay kung pano ako bumabawi sa Kanya sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran at pakikipag-usap sa kanya time after time. Ang mahalaga, mas madami ang bilang ng pagbangon ko kaysa sa bilang ng pagtumba ko. 

Ang saya! Tama lang na ibalik ko sa Kanya yung pagmamahal na binigay Niya sa akin. 

16 comments:

dreen oh! said...


Super Strong God (Acoustic) - Hillsong

theo castillo said...

may point ka fafs, kala ko e babae ang issue na to..

dreen oh! said...

Siya true love ko eh, at first love. :)

Ayelpot Aensland said...

Nice Man man :)

*cheers

Florentino Acosta said...

Amen brother, amen to that.

Fhau D said...

Aww. This one's soo true.
Sana narinig ko rin yung homily nung pari. =) Galing!

Hopscotch Events said...

niceeeeeee ..totally true!

Janis Robles said...

High five Dreen! Nakakatuwa ang pag share mo ng experience mo with Lord.

Tawag ko sa ganyang experience ko divine love affair.

At ngayon pa lang talagang ginagamit ka nang instrument ni Lord sa pagkalat ng pagmamahal niya.

Thanks for this wonderful message.

dreen oh! said...

pass the energy ang agenda ko ngayon ate janis ^^,
wooooh! ang saya talaga! :)

Salamat kay Lord at gingamit Niya akong instrument. :)

POT Bernabe said...

Aww:) Go, Kuya BoyPulbo! Boyfriend ko nga pala siya :D

dreen oh! said...

that's great! :) keep it burning :)

Öö üäëï said...

nice ö kala ko para kay .... Ö PEACE!

free porn said...

weh. haha

*gale *** said...

hehe now i know. hehe im inlove with Him too. VALENTINESSS!!!!! kuyay! love

Aia Solis said...

weeee! im really happy for you master. ^:)^ go go go lang. :D

SHALLY bangsh said...

nice nice...