Tuesday, February 17, 2009

Kapag Sinabi ko Sa'yo - Gary Granada


Kapag Sinabi - Gary Granada




Isa talaga ito sa pinaka-paborito kong kanta. napakahusay talaga nitong si Mr. Gary Granada.

Isa lang ang masasabi ko dito: "tunay na pag-ibig ang mensahe ng awiting ito". BOW!!!

malapit ko nang maging musa ito. hehee




kapag sinabi ko sayo na ikay minamahal
sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal.
at di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
o di kaya ay sisirin perlas ng karagatan.

kapag sinabi ko sayo na ika'y iniibig
sana'y maunawaan mo na ako'y taga daigdig.
kagaya ng karamihan karaniwang karanasan
dala-dala kahit saan pang araw-araw na pasan.

ako'y hindi romantiko sayo'y di ko matitiyak 
na pag ako'y kapiling mo kailan may di ka iiyak
ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
ngunit kung di pa maganap sana'y huwag mong ikalungkot

kapag sinabi ko sayo na ika'y sinisinta
sana'y ibigin mo akong mulat ang yong mga mata.
ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan
na natutunan sa iba na nabighani sa bayan

halinat ating pandayin isang malayang daigdig
upang doon payabungin isang malayang pag-ibig

kapag sinabi ko sayo na ikay sinusuyo
sana'y yakapin mo ako kasama ang aking mundo

5 comments:

Aia Solis said...

musa = word of the day! hahahaha astig!

dreen oh! said...

ansarap pakinggan talaga! ^^,

Aia Solis said...

adik!! hahahahaha. lalim ng tagalog.

Franz Lopez said...

hahahaha

Fhau D said...

maganda rin 'to: