Eto na talaga, hindi ko na mapigilan. Ilang araw na lang, "araw ng mga puso" na. Araw na ng mga nagmamahalan.
Pero para sa mga may lablayp nga lang ba talaga ang araw ng mga puso? I don't think so.
Natutuwa ako sa isang ni-share ng isang propesor ko: Kapag sinabi ko sa'yo na mahal kita, hindi ko sinasabi na mahalin mo din ako. Oo, mahal kita. Problema ko na yun. Kung tatanggapin mo yung pagmamahal ko o hindi, eeeeh hindi ko na problema yun. Problema mo na yun. Basta ang sa akin, nasabi ko na mahal kita.
Meron pa nga daw isang tao na nagsulat ng libro, hindi ko na maalala yung pangalan niya at yung libro na sinulat niya. meron daw siyang sinabihan na tao na mahal niya iyon at ganito ang kanilang pag uusap.
Boy: alam mo, mahal kita.
Grl: alam mo, mahal din kita.
Boy: PAMBIHIRA! I'm just telling you that I love you. I'm not telling you to love me too!
And they lived happily ever after.
Oo nga naman. (share ko lang yung mga na-share sa amin ng aming propesor) Kapag sinabi ko sayo na mahal kita, at sinabi mo sa akin na hindi mo ako mahal, masakit. Oo, masakit. Pero ang sakit, lilipas din naman eh. Mawawala din. Pinapagaling ng panahon. Pero mas masakit at nakaka-insulto kung sasabihin ko sa'yo na mahal kita at sasabihin mo sa akin na magmahal na lang ako ng iba. "PAMBIHIRA! Sino ka para sabihan ako na magmahal na lang ako ng iba? Eh ikaw nga ang mahal ko. Bakit mo ako uutusan n magmahal ng iba?" Mas nakaka-insulto diba?
Pero sa totoo lang, hindi lang talaga para sa lovelife ang araw ng mga puso. Isa itong chance para mapadama natin sa mga magulang natin kung gaano natin sila ka-mahal. Minsan nahihiya tayong sabihin sa kanila na, "ma, i love you". "pa, i love you". Bakit ba tayo mahihiya? Eh kailan pa natin sasabihin yun? kapag wala na sila? kapag hindi na nla tayo naririnig kahit anong lakas ng pag-iyak natin? Kaya habang hindi pa huli ang lahat, wag sana nating kalimutan na ipadama sa mga magulang natin ang pagmamahal natin sa kanila. Huwag sana tayong mahiya. Ang nanay ba natin ikinahiya tayo nung ipinanganak tayo? Ang tatay ba natin ikinahiya tayo nung dinalaw niya ang nanay natin pagkatapos tayong ipanganak?
Pero ang pinakamalupit talaga sa lahat, ay ang pagmamahal natin at pagmamahal natin kay God. Sabi sa Bible, at paulit ulit sinasabi sa simbahan, "HIs love endures forever." Wala talagang hihigit sa pagmamahal na ibinibigay sa atin ni God. He has the greatest love to offer, that He gave His only Son to save us from our sins. Ganoon Niya tayo ka-mahal. Sana Huwag din nating kalimutan na iparamdam kay God kung gaanon natin Siya ka-mahal. Siya, bawat sandali pinaparamdam Niya sa atin. Sa sobrang pagmamahal Niya sa atin, binigyan niya tayo ng kalayaan para pumili. Binigyan Niya tayo ng buhay. Huwag sana natin Siyang biguin, Itong pagmamahal na ito sa Kanya ang pinakamasayang mangyayari sa buhay natin. Maglaan sana tayo ng oras sa espesyal na "araw ng mga puso" para makipag-date sa ating Greatest Lover - Si God.
HIndi naman talaga tayo nag-iisa. Sabihin pa nating single tayo, eh ano naman? May puso din tayo. Mayroon ding "araw" para sa ating mga "puso". Halina't ating i-appreciate ang ganda at kulay ng pagmamahal. :)
20 comments:
punta ka sabado!!!
Boy: alam mo mahal kita.
Girl: alam mo mahal din kita.
Boy: PAMBIHIRA! I'm just telling you i love you. I'm not telling you to love me too!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
WALA namang PAMBIHIRA sa kwento ni sir ah? hahaha
Bakit ganun yung reply ni boy? Mali yun. hehe kontrabida?!
hindi, kse naisip ko lang: Kagaya niya sinasabi lang din ni girl na mahal niya si boy. yun lang.
wala din ako valentines wag ka magalala... gawa nalang tyo ng blog sa araw na un. hahaha!
Pansin ko lang, Godly ka pala. =)
Tama, makipag-date na lang tayo sa kanya. =)
oo. sobrang feel ko love nya ^^, weeeeeeeeeee
hhaah oo nga :p
wahahahha. eh para hindi verbatim. hahahaha adik
wah, nagdadalawang isip na ako =/ dami pa palang pending na gagawn. =/
mgddrink-til-u-drop ako!!! hahahaha!
oo nga naman... nangengealam kasi.... XD
i love you aldreen. ayyyeeee!!
Mga binitawang salita ni Sir Bong Lo. :)
Tama ba ko? ang galing nito..nakakatuwa..hintayin niyo yung graduation message (and song) niya.
Nakakataba ng puso. :D
HAPPY PUSO.
Nice :)
Tama tama..
wooooh hahahaha adik ka talaga satts :)
love you too, szween :) kitakits!! pambihira may kwento ako :)
pakialamera ang bruha eh noh? wahahahah
oo, galing kay sir Bong "Law"pez. eheheh :)
aabangan ko yun, takte baka maiyak ako. haha
wahahahhaa! astig to a! tama ka taka ka aydol! ^:)^
tama to tama to! astig! apir!
wapir idol.! ^^,
Post a Comment