Sunday, March 29, 2009

Bakit daw hindi pinatay ng Meralco ang generator nila noong Earth Hour

Nakakatawa. "Bakit kasi hindi na lang pinatay ng Meralco 'yung generator nila eh", iyan ang pinag-uusapan ng mga tita ko kani-kanina lang. Hindi na lang ako sumabat dahil usap nila 'yun at tinatamad ako magsalita dahil sa lintek na mood swing ko.

Unang una, advocacy ang Earth Hour, hindi batas. Malaki ang pagkakaiba 'nun. Kapag advocacy, may kalayaan ang tao na pumili kung susunod siya. Kapag batas, sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong sumunod. Kung pinatay ng Meralco ang generator nila noong Earth Hour, gumawa na sila ng sarili nilang batas - kinontrol na nila ang kalayaan ng mamamayan sa pag-tangkilik o pag-tanggi sa nasabing advocacy.

Pangalawa, alam natin na magkakaiba ang utak ng mga tao. Marami pa rin ang mga pasaway - hindi natin 'yan maipagkakaila. Kung ayaw nilang suportahan ang advocacy, problema na nila 'yun. 

Hindi naman si mother earth ang naghihirap dahil sa global warming eh. Tayo. Tayong mga nilalang ang nakakaramdam ng putragis na epekto. Naka-survive si mother earth nang ilang bilyong taon - nadaanan na niya ang ice age, jurassic age, kung ano-anong age hanggang sa computer/technology era ngayon. Naranasan na ni mother earth ang sobrang init at sobrang lamig, pero buhay pa rin siya. Sino ba ang naapektuhan? Siya ba? Kahit limpak limpak na basura ang itapon natin sa mga estero at dagat, buhay pa rin si mother earth. Kahit ga-toneladang usok pa ang isugasob sa kapaligiran, mabubuhay pa rin si mother earth. Tayo ang maapektuhan. Tayo ang hindi magssurvive sa mga pinag-gagagawa natin. 

Tingnan natin 'yung pelikulang "Wall-e", buhay pa rin naman si mother earth nun diba? Nasaan ang mga tao? Nasa isang constructed planet, hindi ba? Sino ba ang nagdusa?

Pangatlo, kung papatayin ng Meralco ang generator nila, maaapektuhan ang freedom and right to property ng mga tao - against 'yan sa constitution; ang sapilitang pagkuha ng kalayaan at means of property usage without clear and present danger. Mas maituturing pa nga'ng clear and present danger ang pagpatay ng generator kasi magsisilabasan ang mga halang ang bituka at maraming krimen ang pwedeng mangyari. Pwedeng magkaroon ng nakawan (dahil may total darkness), patayan at putukan (dahil may total darkness).

'Yun lang. Tinamad lang ako magsalita kaya sa sulat ko na lang dinaan.

Bow.

Mabuhay!

32 comments:

Ayelpot Aensland said...

hahaha nung mga time na sinasabi ko sa sarili ko na sana wag patayin ng meralco ang kuryente at hidni ako makakapag online hahaha

marlon j. locsin said...

so ibinuhos mo lahat ng natutunan mo sa colehiyo sa iyong essay na ito... hehehe

szweeney petalver said...

tinatamad daw cla. hehe.

dreen oh! said...

actually. haha. naiirita talaga ako sa mga taong nilalait ang major natin. putragis talaga. nataon pang badtrip ako ngayon. haha

maxine banaga said...

mood swings??? ah........... may period ka? :p

Cat Valiente said...

tama tama.

dreen oh! said...

meron :|

toto . said...

agree ako dun sa hindi mamamatay si mother earth:D it will always find its way to survive. ang mamamatay nga lang tayo:D nasa atin na lang kung mamadaliin nating mamatay.hehe

ayos tong post mo ah!:D hehe

Fhau D said...

HOW GREAT OF YOU!
Very well discussed! ;D *asal expert*

theo castillo said...

aldrin?! you may be the next confucius! hehe..a man who piss on the gound, piss on earth.tsk tsk!

Kevin Torres said...

agreed. Common sense lang naman e. :\

therese yee said...

hindi naman halata na badtrip ka. hindi naman......

nEVIL may cry said...

sabi nga ni bavhey may dalaw ka ngayon, hehehe... di ako nagpatay ng ilaw kahapon, hehe

lean george barrios said...

dude tnatamad ako basahin ung tinayp mo.... wla akong idea kung ano ung buong storya mo d2.... pero sa tingin ko kaya d nila pnatay kc pera din un ehhh kya di nila pnatay.... sa loob ng isang oras malaki mawawala sa kanila ilang bahay din un ehhh buong metro and near provinces cla nag papatakbo.... d nila inisip na mas mawawala ang lahi ng tao kpag nasira ng mundo...

Shayne Guevara said...

mahusay na komentaryo. haha. oo may kaibigan nga ako nabanga ang kotse sa poste dahil pati poste sa kalsada pinatay dahil sa earth hour na yan e.

mas tumataas aksidente sa leecheng earth hour!

issa marcelang said...

Although maganda yung thought na magdedevote ka ng 1hr para sa kalikasan, feeling ko wala narin tayong magagawa. Nagdidisintegrate na talaga ang mundo, pero dadating din yung panahon na irerebuild niya ang sarili niya (I think). At kung gagawin ko yung pagpatay ng ilaw for 1hr, parang ang hipokrita ko naman. Kasi gumagamit padin ako ng straw at plastic; nagtatapon ako ng upos ng sigarilyo sa kalye. Lamoyoooon. HAHAHA!

issa marcelang said...

Maganda yung may sincere effort ka nalang na magbawas sa basura mo o maglinis ng paligid mo kesa padala sa hype na yan. Environmentalist my ass. HAHA

dreen oh! said...

tama ka dyan. hehe. tama din ang Meralco sa hindi pag-patay sa generator nila. haha

dreen oh! said...

medyo nakakatawa nga eh. Gaano kaya karaming coal ang hindi na gamit sa buong mundo sa loob ng isang oras na iyon?

Naiimagine ko yung panahon na second generation (nga ba?) ng ice age. Bwahahaha nasaan na kaya ako nun?

dreen oh! said...

haha parang tunog panelist. =p

dreen oh! said...

pambihira, natawa ako dun ah. hahahahhaha

dreen oh! said...

medyo nawawala na ang dalaw ko.haha

issa marcelang said...

Tama nga sila. Hehe. At malamang sa susunod na ice age e pagulong gulong na tayo sa clouds!

dreen oh! said...

at minamasda ang mga paraang gagawin ng mga nilalang para maka-survive. hahah

Kristoffer Malinao said...

pero dude. ayaw man natin o hnde. kailangan ntn ng electricity para sa maraming bagay. it's definitely because of emergency purposes. :)

pag may inatake sa puso. kailangan ng AED para marevive. i know.. mother earth or survival of humanity?

freakin irony..
emo ako ngaun. hehe

Aia Solis said...

idagdag mo na din na bawal mawalan ng kuryente sa broadcasting networks at kung anu ano pang networks.

nalungkot ako nung umuwi ako galing galle, pinaguusapan pa namin nila ate carla to.. ayun wala ngang sumunod sa baryo namin. pero natuwa ako dahil yung paguwi ko sa bahay madilim samin... nanakbo pa ko paakyat dahil naalala ko yung "sumama ka.. sumama ka.." hahahahah!

p.s. natawa ako sa post ng idol ko, "earth hour a success, pregnancy rates up 43%." wahahhahahaa!

dreen oh! said...

hahahahaha patok!! dami atang nagpaputok =\ haha

chat kick said...

Lalim Dreen...Gusto ko itong blog mo na ito...^_^, actually halos lahat naman, kakatuwang magbasa ng blog mo..:D

Joy Angelic Delfin said...

naisip ko din yan. hahaha. kasi nasa megamall ako nung earth hour at kung papatayin ang generator eh baka nanakawan na ko at nabulunan sa kinakain ko. nabawasan nga ang pagkakaron ng global warming tataas naman ang crime rate. hehehe. yan din yung pinaguusapan namin dahil excited ako sa earth hour na yan. tapos yun. nakakatuwa. kasi kitang kita mo yung mga pasaway, yung mga walang pakealam sa mga advocacy na yan. heheh. namiss ko tuloy ang media law. clear and present danger. heheh. congrats bukas. ggraduate ka na!!! yey!! manlibre ka nga. haha:D

Zareena ♥_♥ Reyes said...

aysus! dreen ang taray mo girl! hahah :))

dane Policarpio said...

pabasa mo sa mga tita mo yan para maintindhan nila, hahah, grabe wala ng masasagot sau ung kalaban mo pag debate to, hahaha,

dalandhan dhajdasns said...

dapat pangalan mo boy regla! haha