Saturday, March 14, 2009

Kwentong Hokus-Bonus

Madami nga pala talagang bonus sa mundo. Minsan - o madalas - yung mga bonus na yun ay hindi naman natin dine-deserve. 

Tuald na lang ng mga bonus sa exam. Minsan yun pa ang nagiging dahilan para pumasa ako. Minsan naman, yun pa yung mga nagiging dahilan para ma-perfect ko yung ibang exam.

Sa Supermarket, madami din akong nakikitang bonus. Kapag bumili ako ng Kellog's, merong kasamang ballpen. O kaya naman kapag bumili ako ng isang kilong Surf, mayroong kasamang 50ml na downy.

Mga ganung bagay ba. Yung mga biglaan na lang dumadating sa buhay mo, para supresahin ka. Minsan nagugulat na lang ako sa sandamakmak na bonus na dumadating sa akin eh.

Pero hindi yata tama kung mag-aasam pa ako ng iba. Bonus nga eh. Libre. Extrang ibibigay. Bakit pa ako manghihingi pa kung libre na nga yung binigay sa akin? 

Paminsan nakakatuwa talaga. Kasi mayroong bonus na higit na mas maganda, malupit, at matindi ang epekto kaysa sa mga normal. Kumbaga, parang Buy-1-Take-10 sa supermarket. Daig pa ang tama ng Cobra energy drink, o ng Sting, o ng Lipovitan. Nakakatawa talaga. Nakakatuwa din. Astig. 

Kagabi, bago ako tuluyang humimlay (matulog, pala), nag-iisip ako ng mga bonus na dumating sa buhay ko. Grabe lang. Sandamakmak pala. Sa sobrang dami, hindi ko na maalala lahat. May mga ilan talaga na kapag hindi ko naalala, pwede ko nang sakalin ang sarili ko sa katangahan. 

Ganito pala talaga ang buhay. Madaming surpresang binibigay sa atin. Nasa atin na nga lang paano titingnan ang mga bagay na iyon. Nasa atin na nga lang kung paano nating papahalagahan yung mga bonus na dumadating sa buhay natin.

4 comments:

batman esguerra said...

wtf?! humimlay? LOL. lalim nun a

Angelica ♥ said...

HAHHAAHAHAHHAHA. =)))))))))))

Aia Solis said...

at yan, in other words, ay tinatawag na Grace from God.:)

dreen oh! said...

tama! ^_^ and i'm counting mine :)