Tuesday, March 24, 2009

Kwentong Kababata

Ang sarap ng pakiramdam na muli mong nababalikan ang nakaraan. 'Yun mga magagandang alaala ng nakaraan ay bumabalik ulit sa isang kisapmata. Pero bago mangyari ang malupit na kisapmata, isang dekada muna ang lumipas.

Mayroon akong kababata. Magkapit-bahay kami dati. Simula kinder ako hanggang elementary (hindi ko na maalala kung anong grade) magkapitbahay kami. Kalaro ko ng basketball 'yung kapatid niya, at siya naman, kakwentuhan ko parati. 

Hinding-hindi ko makakalimutan 'yung mga araw na naglalaro kami ng scrabble sa tapat ng bahay nila tuwing uuwi kami ng hapon galing sa school. Lagi akong olats sa kanya. Ang galing-galing niya. O bano lang talaga ako? Paano ko ba ba naman makakalimutan ang lugar na pinaglalaruan namin, eh katabi lang mismo ng bahay namin ang bahay nila. Tandang-tanda ko pa, inaamin ko, mayroon na akong kilig moments sa kanya noon. Bata pa lang ako marunong na akong kiligin.

Sa tuwing maglalaro kami ng srabble, hindi ko magawang tumingin ng derecho sa kanyang mga mata. Nagagawa ko lang siyang pagmasdan 'pag malayo ako sa kanya. Naalala ko, may pagka-suplada siya nung bata pa kami. Mukha lang, pero hindi talaga. Napakabait niyang bata at napaka-talino.

Minsan, habang naghihintay ako school bus-na-hind-naman-talaga-bus tuwing umaga, nakakasalubong ko siya. Hinahatid siya ng kanyang tatay. Nakikita ko siya sa may bitbit na bag o kaya lunch-box - tapos 'nun ay buo na ang araw ko. At 'pag uwi ko galing school, aabangan ko na siya sa labas ng bahay namin. Magbabaka-sakaling makakapglaro kami ulit ng scrabble.

Hanggang sa dumating ang araw na lumipat na sila ng bahay. Nalungkot ako noon. Inisip ko kung paano kami magkikita ulit, at kung magkikita pa ba kami ulit. Inisip ko kung magkakausap pa kami ulit. 

Paminsan-minsan, dumalaw 'yung tatay niya sa lugar namin para kumustahin 'yung kanyang mga kumpare at ang mga tao sa compound. Tuwing nakikita ko 'yung tatay niya, pinagdadasal ko na sana kasama siya, pero lagi akong bigo.

Pagkalipas ng ilang taon, bumalik at bumisita siya at ang pamilya niya sa lugar namin. Piyesta sa amin noon, natatandaan ko pa. Gabi na 'nung nagkita kami. Sa di malamang kadahilanan, lalong tumindi 'yung hiya ko na i-approach siya. Pero nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kinausap ko siya at kinumusta. Hindi ko maalala kung uso na ba ang cellphone nung panahong iyon. Wala yata akong nahinging number sa kanya. Habang kausap ko siya nung sandaling iyon, iniisip ko na sana magkita pa kami ulit. Sana hindi iyon ang huling pagkakataon na magkakausap kami. 

Lumipas nanaman ang ilang taon, may mga nakikilala ako (na pinapakilala lang din sa akin) na nag-aaral o nag-aral din sa school na pinag-aralan niya. Tinanong ko sila tungkol doon sa kababata ko, pero hindi nila kilala. Kahit noong college na ako, may mga nakikilala pa rin ako. Inisip ko na baka doon pa rin siya nag-aaral, pero hindi na pala. 

Nauso ang internet. Noong natuto ako mag-internet, hayskul pa lang ako, inumpisahan ko na siyang hanapin sa cyberspace. Hinanap ko ang pangalan niya sa mga sikat na socializing networks. Mahabang panahon din yun. Hinanap ko sa mga search engines (google, yahoo, yehey). Friendster pa lang ang uso 'nung una. Bigo naman ako sa paghahanap sa kanya doon. Dumating ang panahon na natutunan ko ang Multiply, Myspace, Blogspot, LiveJournal, Wordpress, FaceBook at kung ano-ano pa. 

Huli ko na'ng natutunan ang FaceBook. At pagkalipas ng halos isang dekadang paghahanap, doon ko nakita ang pangalan niya. Doon ko lang din nalaman ang tunay niyang pangalan. Buong buhay ko, simula bata pa lang ako, alang alam ko nang pangalan niya ay yung nakasanayan ko'ng tawag sa kanya. Nakakatuwa ang tulong na naidudulot ng teknolohiya. Pwede mo na'ng hanapin 'yung mga tao na parte ng buhay mo noong kabataan mo. Ngayon, alam ko na 'yung pakiramdam ng mga tita ko sa tuwing nakakahagilap sila sa internet ng mga kaklase nila 20, 30 years ago.

'Nung nakta ko 'yung resulta ng pangalan na hinanap ko, sobrang natuwa ako! "Siya na ba ito?" sabi ko sa sarili ko. Ganon pa din ang itsura niya, 10 years ago. Kakaibang saya ang naramdaman ko talaga 'nung nalaman ko na siya nga talaga iyon. 'Yung tao na buong buhay ko na'ng hinahanap, nakita ko na rin. Nagkaroon na rin ng napakalaking paraan para magkita kami ulit. Hindi talag ako nawalan ng pag-asa na mahahanap ko siya ulit. Alam ko'ng madaming paraan. Sobrang natuwa lang talaga ako nu'ng nakita ko na ang retrato at pangalan niya na naka-post sa monitor ng computer. 

Minamasdan ko 'yung mga retrato niya, at hindi ko mapigilang ngumiti at alalalahanin 'yung good old days ng kabataan namin. 'Yung mga ngiti niya, 'yung paglalakad niya, 'yung pananalita niya, 'yung mga mata niya, lahat. Lahat bumabalik sa diwa ko habang tinitingnan ko lahat ng mga retrato niya.

Pakiramdam ko, parang bata ako ulit. Tuwang-tuwa ako na nakita ko na 'yung matagal ko na'ng hinahanap.

Ang sarap balikan ng mga luma at magagandang alaala: 'yung mga children's party na in-attend-an namin, yung paglalaro namin ng scrabble, 'yung mga kwentuhan namin, yung mga panunukso sa amin ng parents niya at guardian ko. 

Isa ito sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Ang sarap banggitin ng salitang "finally". Salamat kay Papa God. It's worth the wait. It's worth all the effort and patience.

Klarisse Angelica M. Gatmaitan, sobrang pasasalamat ko talaga na nahanap na kita. Ilang tulog na lang magkikita na tayo ulit. 

12 comments:

Kristoffer Malinao said...

edi matulog ka na! dali! haha

Ayelpot Aensland said...

cool ! ahhahaha ako rin nung bata palang ako nakaka ramdam narin ako ng kilig =D hahha

Amie Baraquiel said...

so anong gusto mo palabasin? hahahahah

dreen oh! said...

in english, "so, what do you want to orgasm?" . tama ba?

Amie Baraquiel said...

HAHAHAAH!!! TAMA!!! hahahahah adik ka!!!

Kristoffer Malinao said...

tang inang toh. forever libog. HAHA!

dreen oh! said...

hindi ah. words are neutral pare. :)

♥klarisse♥ gatmaitan said...

hey. im touched. you had to blog about it pa tlga. thanks :) i feel appreciated! hahahaha :)) anyway, it's good to reminisce about the good old days. i was smiling the whole time i was reading this entry. i'll see you soon alrdin. i'm glad we have communication again. take care :) i'm just a text away! :)

dreen oh! said...

glad to know na napangiti kita :) Take good care, my friend. And I'll see you soon. Thank God I found you again. :)

♥klarisse♥ gatmaitan said...

Amen. :) I'll see you soon.

dreen oh! said...

weeeeeeeeeeeeeeeeeeee excited na ako ^_^ heheheh

Joy Angelic Delfin said...

parang teleserye. sarap subaybayan. :)