Hindi talaga ko pabor dito eh. Paniwala ko kasi, napakaraming immoral activities ang ni-ppromote nito eh, at ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
-> Pre-Marital Sex. dahil sinasabi ng axe na kapag gamit ng isang lalakie ang produkto nila, madaming kababaihan ang magkakandarapa sa kanya. Madaming kababaihan ang pipila sa kanya. Ito na lang ba ang sukatan para "pilahan" ng sexy ladies ang isang lalaki? Kalokohan.
-> Polygamy. dahil nga pinipilahan ang isang lalaki, malaki ang tendency ng promotion ng polygamous activity, lalo na para sa lalaki. Sandamakmak na kababaihan ba naman ang hahabol eh.
-> Impurity. sa paniwala ko, kino-corrupt nito ang utak ng mga tao. kino-corrupt nito ang utak ng mga audience nito, dahil sa proposition na "hot guy ka kapag gamit mo ang axe". ang lakas ng kapangyarihan ng media para paniwalain ang sangkatauhan na "okay gumamit ng axe. maraming babae ang hahabol sayo".
-> everything else follows.
Punong-puno na talaga ng kamunduhan ang mundo. Kung ano-ano nang nakikita ng mga tao sa media. Kahit yung mga bagay na hindi naman siguro dapat pino-promote ay nakikita natin sa TV, print at kung saan-saan pa. Oo nga naman, matalino naman na ang mga audience ngayon at alam na nila kung ano ang kanilang paniniwalaan. Pero, the fact na itong mga immoralities na ito ang nipo-promote ng mga programang katulad nito, nako-corrupt na ang utak ng mga tao (aware man ang mga media people dito o hindi). Nabibigyan ng idea ang mga tao tungkol imoralidad.
Nakakatawa na nakakalungkot. Ginagamit ang masamang elemento at gawain para lang magpromote ng isang brand. Lintek. Hindi lang brand ang binebenta nila, pati na rin ang utak ng mga tao, binebenta na kay ugly guy.
Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Hindi ko alam kung paano mawawala ang mga ganitong bagay sa paligid natin. Pero paniwala ko, malaki ang magiging contribution ng mga future media people para sa paghubog ng kabutihan sa sangkatauhan. Malaki ang maaari nilang magawa para puksain ang pwesra ng kalaban.
bow.
29 comments:
ayan at napa isip ako sasali pa naman sana ako hahahahaha *kidding
Amen man ! =)
wag mo nang tangkaing sumali. haha kamunduhan lang ang matututunan mo dun. hehe
naks! kasali kabarkada ko dun eh...
pwede ba ako magdagdag ng something dito?
-Kapag nag-spray ka ng Axe na choco variant... Magiging isang naglalakad kang tsokolate... May kakagat nalang bigla sa waput mo... hehehehehe...
nakakainis nga ang mga ganitong commercial. napaka-SHALLOW! :|
pati yung mga commercial na nagpapakita ng mga babae na mapuputi...parang pinapakita nila na ang maganda lang ay ang mga mapuputi at sino ba ang mapuputi?
kaya maraming mga Pilipina, lalo na ang mga kabataan, ang distorted ang image ng totoong beauty.
okay. sorry. bitter. panget daw kasi ako. hahaha! wth. :)))
Ang galing mo Dreen! malaki talagang naidudulot ng media sa paghubog ng isip ng mga tao.
It's one big propaganda. Kaya dapat ang mga tao, dapat maging mulat ang mga mata sa ganto, na hindi sila maimpluwenshahan ng madla, at mangbabaw pa rin ang mga paniniwala nilang tama.
Nakakalungkot lang talaga ang mga marketing scheme ng mga tao at companies ngayon.
Claps...claps Dreen!...Ganda ng iyong sinulat...sana nga magng makabuluhan ang mga pinapakita sa telebisyon...lalo pa at madaming tao ang nanonood nito pati na mga bata.
hahahahaha benta!! oo nga noh?? ntwa ko dun ah =))
tama ka dyan kapatid.!
MABUHAY KA ALDRIN ORQUEQUE!!!!! MABUHAY KA!!!!! I LIKE YOUR STYLE!!!!
kaya gawin natingt tool ang internet (habang ito ay nasa fast pace of development) para tuligsain/puksain ang masasamang elemento. oh yeah
iilan lang ang nakikta kong may matitinong mensahe sa tv, lalo na sa mga komersyal. =|
baliw ka.! hahaha mabuhay ka din ^_^
whooooo! Go US!
Gusto lang siguro sabihin ng Axe na basta walang putok yung lalaki, kahit mukang paa siya, may magkakagusto padin? Haha.
wahahahahahahhahahhahaha pwede pwede!!! benta to! hahahahhahahahhahahahhaha :))
I agree with you.
at dahil gagraduate ka na. Make a difference.!! :) ipaglaban mo ang mga natutunan mo sa CA!! kelangan maging responsible media practitioner! :) hahaha
di naman mabango yung dark temptation ng Axe. nahahaching nga ako dun eh!! :D
pero aminin, effective ang advertising. :)
koreeeeek! naamoy ko din, di naman swabe eh hahahah. :))
let's make a difference ^_^
sali ako dito e.:p ahhahahaha. biro lang!!
marketing strategy. ganun talaga tay!
it's the irony. tsk. dahil sensational ang produkto kaya sensational din ang paraan nila para maabot ang consumer awareness. =|
hahaha pag sumali ka pipitikin kita sa tenga. wahhahahaha :))
pabayaan mo na. hahahaha! mabango ang axe, at aminin mo nakakabakla yun.:p
pero syempre biro lang yung sinabi ko sa itaas nito! grin pis tayo! hahahahaha
hahahah hindi naman mabango ung chocolate. nakakahilo. parang pabango ng taxi. wahahahahahah ansama ko ata.
sa kahit anong scent ayoko nung chocolate. nakakasulasok e.
papi! hahaha, love is my religion! hahaha, pwede..pwedeng pwede kang pastor..tawag ko sau.......PAPI! hahaha, mabuhay ang kabutihan!, pero wag iwan ang kasarapan..hehehe
***mali ata un..
hahahahahahahahahhhhhahahahahahhha natawa ko dun ah! hahahah benta! ^_^ baliw ka talaga papi haha
Pastor Papi. haha bagay ba? hehehe
uu, tapos bishop papi, cardinal papi, papa papi! hahaha, taena! saludo! hahaha
hahahah siraulo ka.! hahaha
naalala ko lang ung isang nabasa ko sa pugad baboy eh. Naging pari na ung kaibigan niya. Father ang tawag niya.
Sabi nung pari, wag wag nang Father ang itawag sa kanya. Tawagin na lang daw siya kung saan sanay yung isa.
Eh mangungumpisal yung isa. Sabi niya tuloy, "oh sige. Bless me pare for i have sinned."
wahahahahahha
ako din pare! alam mo, shinare ko yan isang beses kina mingu, ito lang ung photo contest na hindi ko gustong salihan. diba? anong point diba?
tama tama! walang kabutihang matututunan sa pagsali dito.
amen to that! hehe
Post a Comment