Ang husay nga naman talaga ng kosepto ng revolutionary "digital film". Dalawang term na sobrang contrary, pero pag pinagsama ay may isang malupit na kahuligan.
Sa unang dinig, maaassociate natin ang salitang "digital" sa electronics. Base (tagalog ito kaya walang "D") sa naaalala ko, mayroong dalawang numero na bumubuo sa mga digital stuff - 1 at 0. Hindi ako computer freak kaya hindi ko kayang maipaliwanag iyan. Basta ang alam, may kinalaman ito sa technology na dulot ng computer at computer age. Dahil sa technology, nagkaroon ng mga digital sound, digital image at kung ano-ano pa. Narerecord ang mga ito gamit ang isang electronic device.
Ang film naman, 'yun naman daw ang tinatawag na 'analog'. Hindi ko ulit kayang ipaliwanag ang specific details ng film as a property. Ang alam ko lang, wala itong kinalaman sa computer at sa numerong 1 at 0 katulad ng digital. Hindi ko na rin maalala kung ano nga ba ang ingredients ng film. Basta ang alam ko, puro ito chemicals na mayroong reaction sa ilaw. Walang kinalaman dito ang computer. Noong sinaunang panahon na hindi pa uso ang computer, madaming paraan ang nagawa ng tao para makapag record ng imahe gamit ang mga chemical compound na na-discover nila.
Nakakatuwa lang na mayroon nang term na "Digital Film". Pero sa pagkakataong ito, iba yata ang definition ng "Film". Tinutukoy yata nito 'yung pelikula.
Nagamit 'yung term na 'film maker' para i-associate sa mga gumagawa ng pelikula - script writer, direktor, producer (?), at kung anu-ano at sinu-sino pa'ng mga tao na involved sa isang pelikula na hindi natin nakikita sa harap ng camera at screen. Noong unang panahon ulit, noong hindi pa ulit uso ang computer at kung ano-ano pang gadgets, Analog camera ang gamit ng mga gumagawa ng pelikula. Kaya naman siguro ang pelikula ay tinawag din na 'film' dahil film/analog cameras ang gamit nila.
Tinatawag din naman na 'movie' ang isang pelikula. Hindi ito parehas. Sa mga napag-aralan ko noong college pa ako (parang napakatagal na eh no?), may mga arguments na hindi magkaparehas ang movie at film (in terms of pelikula). Sa paglipas ng panahon, naging more on spectacle ang mga ginagawang movie, para ma-fascinate ang mga spectators. Naging studio-system, naging profit oriented, naging mainstream. Pero ang film daw, nanatili sa pagiging experimental. Kaya mayroong mga independent na pelikula, o mas kilala bilang indie film, dahil malaya sila sa mensahe na gusto nilang sabihin. Malaya sila sa advocacy nila. Walang unwritten rule at formulaic plots na pumipigil sa kanilang kalayaan. Kaya nga independent - malaya.
'Yung digital naman, tinutukoy yata nito ay 'yung tool na ginamit para gumawa ng isang pelikula (o film). Dahil sa paglipas ng panahon at nauso ang computers at lalo pang nadedevelop ang innovation ng technology, nagkaroon ng mga digital gadgets. Nauso ang mga digital cameras (point and shoot, SLRs, video camera). Naaalala ko dati, may mga expression na "tara pa-Kodak tayo". Ibig sabihin daw, magpa-picture tayo. At dahil wala pang mga digital gadgets noon na makakapag-record ng imahe, film (as a tool) camera ang gamit ng mga tao. Hanggang sa noong late 90's yata or second millennium na, noong nauso ang mga digital camera para makita na ng mga tao in an instant ang mga retrato na kinukuha (some say "ginagawa") nila. Hindi na kinakailangan magpa-develop. 'Yung mga pangit, buburahin na lang. Hanggang sa nauso na rin ang mga digital na video camera na tape pa rin naman ang gamit. Ang pinagkaiba lang, pwedeng patungan ang laman ng tape at mayroong digital screen na kung saan makikita mo ang kalalabasan ng series-of-still-images na irerecord mo at ganoon na rin ang laman ng frame. Hindi katulad ng mga classic at vintage na video camera na kailangan pa na naka silip sa viewfinder ang cameraman para makita ang mga magiging laman ng frame.
Napagtanto ko lang na ang "Digital Film" pala ay isang pelikula na ginamitan ng mga digital na gamit.















































