Matagal na talagang sumasagi sa isip ko kung bakit gumagamit pa ng aircon na napakalamig sa isang kwarto kapag matutulog, kung magtatalukbong din naman nang bonggang bongga.
Nakakapagtaka lang talaga. Hindi ba't gingamit ang air conditioner para lumalig ang isang kwarto? Pero bakit pa kailangang magkumot ng todo habang naka todo din ang aircon? Pwede naman siguro na i-adjust na lang ang temperature hanggang sa kakayanin ng katawan ng gumagamit.
Guilty din naman ako sa ganitong gawain, pero hangga't maaari, hindi ako nagkukumot kapag matutulog ako sa airconditioned room. Boring naman kung kokontrahin ko 'yung lamig na binubuga. Boring naman kung nakatalukbong ako tapos pinapadama ko sa mukha a dibdib ko ang aking mainit-init na hininga.
Sa pagkakaalam ko, nag hhibernate din ang mga lamok kapag malamig. Hindi ko lang alam kung sapat na ang lamig na binubuga ng aircon para patulugin ang mga lamok (kung mayroon man). Pwede din namang gumamit ng kulambo, hindi ba? Habang nakabukas ang aircon, naka-kulambo ba rin. Pangontra sa mga lamok, langaw, ipis, daga at kung anu-anong insekto at peste ang pwede pang pumasok sa kwarto.
Bakit nga kaya ganoon?
22 comments:
mas komportable kasi. :D kysa sa pinagpapawisan. ung parang kasabihan na. "mas okay na sobra kysa kulang".
mas okay na sobra ung lamig. pwde nmng magkumot. komportable nmn. kysa kulang, tas pagpapawisan ka, kht mag hubad ka pa. magigising ka lang din. hehe
lol
hindi ba mas komportable kung walang nakabalabal sa'yo habang natutulog? Kayakap mo lang ang isang unan at pwede kang rumolyo rolyo sa kama buong magdamag. Malamig, pero hindi sobra. Yung bearable lang. ;)
wahahaha! oo nga noh? ako lging tlukbong e. kht d aircon. wahahhaahah!
Yung iba kasi nakasanayan na may kumot palagi.
Mainit man o malamig. Kagaya ko.
Nakakatakot kasi pag' walang kumot. Madali ka madapuan ng kung anu-anong insekto gaya ng ipis o mumu. (joke, ung sa mumu)
Pero totoo, ang sarap ng pakiramdam pag' may kumot. Pwede ka din naman rumolyo-rolyo e kahit nakakumot.
Chaka minsann sobrang lamig na ni aircon kaya ayun, nakakatamad na bumangon para ibaba yung temperature e. Kumot na lang. :)
sa akin lang may tao kaseng malamigin,at mainitin ang pakiramdam nila,kya maganda dyan pag malamig ang aircon adjust nyo muna ang temperature bago matulog. yun lang po!
PS:
(pero ako ndi nagkukumot pag may aircon...grrrr lamig)
ay, grabe, tanong ko dn yan dati pa s mga malakas mag aircon. kya ako ayoko ng malakas ang aircon! haha!
'Coz it's more masarap when hotness and coldness ignite! Hahaha
sakin naman, mas secure ako pag may kumot. ewan ko ba. i know it's weird. :))
yung blog mo parang......
mag-aaral pa, mamamatay din naman.
maliligo pa, babaho rin naman.
kakain pa, magugutom rin naman.
tutulog pa, magigising din naman.
HAHAHAHA! :]]]]]
iba ung comfort na binibigay ng kumot. parang yakap. ikaw ung niyayakap. and you would feel secured.(for some people.)
dba nung mga bata(o kht ngaun) pag natatakot ngkukumot?
:)
hm.. magtaka ka dun sa iba, nakacomforter pa!
WALANJONG BLOG 'TO HAHAHHAHA
kc gani2 yan minsan kc may mga insecto na lumilipad-lipad at dumidikit sa balat natin... kya minsan ehhh kelangan mag kumot un un sister at e2 papla kelangan takpan kc masarap mag painit pag malamig tama ba ako oh hindi.... wlang malixa!
nagkaron ng malisya sa pagkadefensive mo sa huli. -.-
TROTS! haha
mas mgnda kung ang kumot eh tao.
korek ka jan ate warmer tlaga pag tao
ok hahahah tlagang nag karoon tinaype ko dun "malixa" ehh hahaha
ngeeeeee. korny ka pala noh? -.-
hahahahaha ;p
naks! the fan and the idol! haha
leche umuwi kna hahah
leche umuwi kna haha tara bisyo tyo
ayaw mo ba idol...
Post a Comment