Tuesday, April 14, 2009

Hinanakit ng Isang Kanser Patient

Ilang taon na rin akong may kanser. Ilang taon na rin akong dumaan si limpak limpak na chemotherapy, pero parang wala na yatang katapusan ang pagbalot nitong kanser sa buong katawan ako.

 

Halos araw-araw ay patuloy na sumasakit ang lamang loob ko dahil sa pagtupok nitong kanser na ito. Masakit. Tang*na. Masakit. Pakiramdam ko ay hindi na ko makaka-survive sa pamatay na sakit na ito.  Hanggang sa mamatay ako, nakabalot na siguro ito sa sistema ko.  Wala nang pag-asang malunasan sa bawat chemotherapy ko.

 

Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, ay ako pa. Hindi ko din alam kung bakit sa dinami-dami ng sakit sa mundo, kanser pa. Puwede naman siguro na lagnat laki na lang. O kaya trangkaso. O kaya sipon. Pero ito pa ‘yung dumapo sa akin. Isang maluput at makamandag na kanser.

 

Minsan naiinggit ako sa ibang kanser survivor. Sana maka-survive din ako, pero parang sa panaginip na lang yata matutupad ‘yun. Mabuti pa sila magaling na. Nagagawa na nilang magsaya dahil natepok na ang sakit na dati’y halos lamunin sila nang buo. Hindi na nila kilangang dumaan sa chemo. Samantalang ako, patuloy na naghihirap dito. Patuloy na nilalamon ng sakit na ito ang sistema ko at pinapahirapan akong gumalaw.

 

May ilang kaso ng kanser ang narinig ko, na pagkatapos ng isa o dalawang session ng chemo, magaling na sila. Mga nakaka-inggit silang survivor. Ako, hindi ko na halos mabilang sa dalawang kamay ko kung ilan na, pero bigo pa rin parati.

 

Bakit ganon? Bakit ba naman kasi ako nagpaka-adik sa bisyo (o parang droga na, na hindi ma mapigilan)? Ito na tuloy ang kina-hinatnan.

 

Naiisip ko, paano na kaya ito pag nasa hukay na ako? Ano na kayang mangyayari dito? Dadapo pa kaya ito sa ibang tao at mambibiktima nanaman? Masuwerte siguro ako kung malalabanan ko pa ito. Pero parang hindi na yata. Bawat araw ay lalo lang akong nanghihina. Panalangin na lang siguro at milagro ang kailangan ko para gumaling at mabuhay na ulit nang normal. Kailangan ko ng himala. Isang putragis na himala para mawala na ito. Pero kung saka-sakali man na mawala nga ito, ‘yung lamat naman na iiwanan nito ay sobrang lupit. Halos masira na siguro ang lamang-loob ko kahit pa gumaling ako.

 

Sana dumating na lang ‘yung araw na makalimutan ko na lang na may sakit pala ako. ‘Yung tipong, wala lang. Mamumuhay na lang ako ng normal, pero hindi ko na ramdam na may sakit ako. Kalbo na ako, pero normal lang ang pamumuhay ko. Mahina ako dahil sa virus, pero malakas ang loob ko na isipin na normal lang ang buhay ko. ‘Yung hindi na ako kailangan pang alagaan dahil maawa lang sila lalo sa akin. Pero asa naman ako. Asa naman ako na mangyari yun kung bawat kibot ko ay pinapaalalahanan ako na may tatak ako ng kanser sa bawat parte ng katawan ko.


Bahala na. 

2 comments:

Albien Gacias said...

nakakaconnect ako(lung cancer)... kakatapos ko lang ng 4 cycles ng chemo pero atleast surviving pa din...hays..

pero di ko naman iniisip na may sakit ako ...hahaha

Fhau D said...

Sino may cancer??