Sunday, April 26, 2009

The Ultimate Bora Experience

Nakakatawa. Para akong isang bata na nautusan lang bumili na suka sa kanto, sabay biglang naging ta-artits in an instant!

Sa ilang gabi ko sa Boracay, laging mag-isa lang akong lumalabas – maglalakad nang dulo’t dulo pampa-baba ng mga kinain ko buong araw. Kung minsan kasama ko maglakad ang mga pinsan ko na bata. Wala talaga akong night life dun, kahit ilang taon ko nang pinapangarap na magkaroon. Buti na lang at ka-resort ko pala si Teta, at may kasama akong uminoom pagkatapos ng concert ng myx.

Excited talaga ako sa pagdating ni bestfriend Vera (dahil may raket sila doon, at may chance kami na makapagkita ulit). Nung dumating na siya, nagkita na kami sa wakas, ay shumat (uminom) kami sa hotel na tinutuluyan nila – kasama si Karl, Momsy, Popsy at Sir Wally (mga kasama sa trabaho ni bestfriend). Ayos! Basag ako pag uwi dahil pagkatapos namin, nagsolo ako ng night life kahit ako na lang mag isa.

 

Hanggang sa kinabukasan, mayroong isang balita na tumambad sa akin!

 

Momsy: “Ihanda mo ‘yang camera mo para sa event namin”

Dreen: “Sure, Momsy”

Momsy: “Kung ipapa-ahit sayo ‘yang goatie mo, papayag ka?”

Dreen: “Ah, para saan po?”

Momsy: “Rarampa ka bukas! Mag mo-model ka!”

Dreen: “Whoa! Seryoso po ba kayo? Ang laki laki ng tiyan ko at ang bansot ko”

Momsy: “Keri lang. It’s the pes-balyu”

 

Eh di syempre kinilig naman ako na medyo kinabahan. ‘Yun pala ang purpose ng pagkuha sa akin ng retrato the other night.

 

Mantakin mo, na kahit mayroon akong tiyan na may ingredients na beer belly, sisig, trans fat, saturated fat, carbohydrates and sugar, napili pa rin akong rumampa! Naisip ko na baka ‘yung mga kasabayan ko ay may 6-pack abs. Samantalang ang maipagmamalaki ko lang ay 1-pack ab.  Bonggang Bongga diba?

 

Ito ang ilan sa mga retrato:


Photobucket 


Photobucket 


 Photobucket


Photobucket Photobucket Photobucket 
Photobucket 

 

Nakakatawa lang diba? Ako ang pinakabansot. Ako din ang may pinakamalaking tiyan. Ako lang ang hindi dancer. Halatang halata na hindi ako humihinga habang rumarampa, para lang mabawasan ng kahit singkwenta posyento ang lalakhan ng tiyan ko. 

 

Medyo kinabahan din talaga ako, medyo badtrip din dahil may mga narinig akong bulolng bulong. Pero ayos lang, at least naka rampa ako ako kahit mukha akong butete.

 

MATAPOS ANG RAMPA

 

Akala ko talaga wala na akong “makikilala”. Sa ilang summer na pag bisita ko doon every year, pinapangarap ko na sana may “makilala” man lang ako. Meron naman, actually. Pero kaya nga naka quote-unquote ‘yun dahil may something. Ewan.

 

Kras ko ‘yung isang model na babae. Pero, haller! Daba? Alam mo na ang ibig kong sabihin.

 

Nakakatuwa lang, pero kasi just in the nick of time, natupad ang pangarap ko.

 

Ang saya saya saya saya ng party pagkatapos. Ngayon lang ako nakapagparty ng ganun sa bora. Kadalasan pag trip ko lang na uminom, pupunta lang ako sa kahit saang reggae bar at oorder ng ilang bote ng beer na pampatulog. Iba pala ang pakiramdam pag may mga kasama. Parang dream come truelaloo lang eh. Ang saya talaga! Naka-tatlong rounds pa kami ni Karl ng sex on the beach, dahil libre naman ang inumin kaya sinamantala namin. Lasang gin pomelo nga, pero masarap talaga. Swabeng swabe ang hagod sa lalamunan.

 

Panalo talaga ang gabing iyon! Parang gusto ko na nga itigil ang oras dahil sa sobrang saya. Sayang lang at maaga ang alis namin kinabukasan kaya hindi na rin ako masyadong nakapag tagal. Bago mag alas dos ng umaga, umuwi na ako.

32 comments:

Alexander Joseph Tan said...

Nice one Aldrin!

Alyssa Herrera said...

omg hottie! sana ma-ganyan din ako pag punta ko sa bora! nyahaha! kakainggit ka!!! hehehe. next year balik tayo bora at magpapapayat na tayo. at akalain mo yan! wala ka ng goatie! gwapo ka na ulit! hehehehe! miss you! ^__^

dreen oh! said...

pangarap mo talaga yan ah. haha. nag uumpisa na nga ako magpa payat eh. haha :)) miss u too

Teta Del Rosario said...

at gagawin mo na talaga shang karir ha?!? wahahahaha! eto pala ung sinasabi mo! grabe! ibang klaseng experience nga, hahaha!

p.s. bat wala tayong pichur sa bora?!? hahaha!

Jen . said...

nax! ang pogi naman nun! model na photographer pa! ano pang hahanapin nila?... hehe

dreen oh! said...

magbabakasakali ako ulit na makuha, kaya nagpapa payat na ako. hahah :))

oo nga, bakit nga ba wala?? =| isang matinding tanong din yan eh. wala tuloy tayong ibidinsya. haha

dreen oh! said...

pambihira. ka laki lang ng tyan eh. haha

abai pinili said...

congrats! :)
hahaha! :p

Badong! Mong! said...

HAHAH nice one! model!

chat kick said...

naka naman!!...^_^...galing!:)...ayus lang yang 1 pack ab...lol:))

*bOggy diaz* said...

haha di po tayo magkakilala, pero napatawa moko sa story mo.. award ka sir! model ;D *LOL*

*liaN.kriZzia rosales said...

nux naman aldrin! go go go! karirin mo na yn! congrats for that super wonderful experience! nice one!

Ayelpot Aensland said...

whoa hahahaha model ka na pala ngayon pare :D

dreen oh! said...

magpapaliit muna ako ng tyan. hahahaha :))

Josh K. said...

model na photographer pa. anu pa ba ang hihingiin mo? haha andyan na lahat =P ingat lage!

angelica dominguez said...

wow, mumomodel- pero natawa ako sa pagkukwento mo!!! naimagine ko haha - kakamissss ka tuloy!!! at ngayon ko lng nalaman na nagiinom ka magisa?!!! hmmmmm...

dreen oh! said...

namis din kita! haha eh madalas naman kasi akong walang kasama dun eh haha

jamie espadilla said...

haha at least na-cover naman ang belly sa last pose nyo =p

dreen oh! said...

ahahahah oo nga! buti na lang talaga. Kundi, makikita ang three layers ng bilbil ko. hahahah:))

PAPI ........... said...

MODELO.... WIWIT...... =D

dalandhan dhajdasns said...

shet natawa ko! hahaha.. lagay na sa portfolio yan! bagong karir! mowdel! hahaha

Princesa Consuela Bananahammock said...

whahahaha!!! d ko kaya aldrin! da best!

beni pamintuan said...

wahahah!!! bow!! bow!!! wahaha...
wala ka nga 6packs pero brad
meron ka isang malking abs hehe..
kasya 12bottles ng beer haha..

stacy concepcion said...

wapakels kung bloated at bansot, yan si dreen... confident! clap, clap! ^_^ congrats and goodluck sa bago mong career! haha!

vera lorraine celestino said...

it pays to have a kopi yah know.. :p
hahaha.. :)
bora ulit! ^__^

dreen oh! said...

TROTS! hahah labyah kops :) next year ha! o kaya sa october. hehe

karl orit said...

S.O.B. S.O.B., next year uli! :p

issa marcelang said...

YEEE MODEL!

Pot Tomas said...

PAMBIHIRA! wahahaha! yeah ba!

monch bravante said...

mowdel! mowdel! mowdel!

Janis Robles said...

ito pala mga trip mo ngayon ah

Yves Marcelo said...

Potek ngayon ko lang to nakita ah. HAHAHA. Ayos ka tart ah! Hmm.. Minsan natatawa nalang ako sa mga posts mo at sa mga banat mo e.