Bigla ko lang naisip kagabi, bago ako matulog, “paano kaya kung bigla na lang ako mamatay? Sinu-sino kaya ang mga taong pupunta sa burol ko? Actually, hindi ko lang kagabi naisip ito. Matagal-tagal na rin. Siguro mga tatlong taon ko na ring naiisip itong bagay na ito.
Hindi ko naman alam kung paano ako madededs. Biglaan ba? Magkakasakit ba ako ng malubha? Maaksidente ng bonggang bongga? Hindi na magigising sa pagkakatulog? Paano nga kaya? At kailan? 24 hours pagtapos kong ma-post itong blog na ito? Right after matapos ang blog na ito? After 1 year? After 2 years? 20 years?
Iniisip ko lang kung ano kaya ang nararamdaman ng mga kaluluwa tuwing nakikita nilang may bumibisita sa lamay ng kanilang katawan. Sa pagkaka alam ko, wala naman silang pakiramdam eh. Ano nga ba ang dapat na term? Ganto na lang: ano kayang trip nila tuwing may bumibisita sa bangkay nila? Sabi ng mga ilang kamag-anak ko, may mga naranasan daw sila na nagparamdam yung patay, pero ako wala pa naman. Tinatapik daw sa balikat lahat ng pumapasok, o kata nginingitian. Ang cool. Ako kaya? Ano kayan magandang trip?
Ewan ko kung kahinaan ko ba na mabilis akong ma-attach sa mag nakikilala at nagiging kaibigan ko. Hindi naman siguro ako feeling close, pero (putcha, ang cheesy ng naiisip ko) nagiging malaking parte sila ng buhay ko.
Gaano kaya karami ang aattend ng eulogy celebration sa akin? Kaya ito, naisip ko na lang na magpa register sa mga sure shot na pupunta. Gaano din kaya karami ang malilikom na pera ng pamilya ko galing sa abuloy ng mga kaibigan, kapitbahay, kamag-anak, katoto, katukayo at anu-ano pang kaka. Mababawi kaya nila yung perang ilalabas nila pang gastos ng kabaong ko, pang biskwit at kape ng mg bisita, gastos sa kuryetnte sa limang araw na lamay, gastos make-up ko (minsan lang ako make-up-an sa buong buhay ko) at kung anu-ano pa. Pero hanggang sa kabaong, ayoko pa rin ng bagong barong at slacks at sapatos. Pwede pa naman yung slacks at sapatos ko nung college ako. Yung barong na ginamit ko nung kasal, kahit medyo may kalumaan na, pwede na rin yun.
Paano kaya ang magiging scenario ng burol ko? Ilang mesa kaya ang mga nagtotongits habang humihigop ng kape at nagsisigarilyo? Ilang patak ng luha kaya ang malalaglag sa salamin ng aking ataul? May mga magsasabi kaya ng “sayang ka” o kaya ng “bakit ikaw pa?” o kaya ng “sana… sana…”.
Basta, pag ako namatay, gusto ko i-donate ng mga kamag-anak ko yung mga laman loob ko at ibang parte pa ng katawan na pwede pa namang pagtyagaan at magamit ng iba. At least nakatulong pa ako. Basta yung mga karapatdapat lang naman i-donate, kasi baka lasug-lasug na, ibigay pa rin. Kawawa naman yung makakatanggap. Baka magkita pa kami agad nun nangg di oras.
Saan kaya ang strategic locatation para makapunta ang majority ng mga kaibigan, kakilala ko, kumare at kumpare nila ermat at erpat at kung sino sino pang may trip maki-jamming. Sa Cavite – masyadong malayo para sa mga kaibigan ko sa norte at at mga taga maynila na tamad mag byahe. Sa Tondo – parang medyo masikip. Makakasagabal sa kapitbahay. Baka batuhin pa ng itlog o kamatis ang kabaong ko. Sa Project 8 – ayos lang naman. Pero medyo hassle naman sa mga cavite people kong kaibigans. Sa Market! Market! – bakit dun? Medyo malayo, at hassle pumunta (unless may dalang sariling oto) pero pwede nang mag shopping at mag window shopping pagkatapos bumisita ng mga bisita. Pwede din silang gumimik sa ascend or embassy pagkatapos. Ewan ko, bahala na mag burol organizers ko sa diskarte nila.


















































