Bigla ko lang naisip kagabi, bago ako matulog, “paano kaya kung bigla na lang ako mamatay? Sinu-sino kaya ang mga taong pupunta sa burol ko? Actually, hindi ko lang kagabi naisip ito. Matagal-tagal na rin. Siguro mga tatlong taon ko na ring naiisip itong bagay na ito.
Hindi ko naman alam kung paano ako madededs. Biglaan ba? Magkakasakit ba ako ng malubha? Maaksidente ng bonggang bongga? Hindi na magigising sa pagkakatulog? Paano nga kaya? At kailan? 24 hours pagtapos kong ma-post itong blog na ito? Right after matapos ang blog na ito? After 1 year? After 2 years? 20 years?
Iniisip ko lang kung ano kaya ang nararamdaman ng mga kaluluwa tuwing nakikita nilang may bumibisita sa lamay ng kanilang katawan. Sa pagkaka alam ko, wala naman silang pakiramdam eh. Ano nga ba ang dapat na term? Ganto na lang: ano kayang trip nila tuwing may bumibisita sa bangkay nila? Sabi ng mga ilang kamag-anak ko, may mga naranasan daw sila na nagparamdam yung patay, pero ako wala pa naman. Tinatapik daw sa balikat lahat ng pumapasok, o kata nginingitian. Ang cool. Ako kaya? Ano kayan magandang trip?
Ewan ko kung kahinaan ko ba na mabilis akong ma-attach sa mag nakikilala at nagiging kaibigan ko. Hindi naman siguro ako feeling close, pero (putcha, ang cheesy ng naiisip ko) nagiging malaking parte sila ng buhay ko.
Gaano kaya karami ang aattend ng eulogy celebration sa akin? Kaya ito, naisip ko na lang na magpa register sa mga sure shot na pupunta. Gaano din kaya karami ang malilikom na pera ng pamilya ko galing sa abuloy ng mga kaibigan, kapitbahay, kamag-anak, katoto, katukayo at anu-ano pang kaka. Mababawi kaya nila yung perang ilalabas nila pang gastos ng kabaong ko, pang biskwit at kape ng mg bisita, gastos sa kuryetnte sa limang araw na lamay, gastos make-up ko (minsan lang ako make-up-an sa buong buhay ko) at kung anu-ano pa. Pero hanggang sa kabaong, ayoko pa rin ng bagong barong at slacks at sapatos. Pwede pa naman yung slacks at sapatos ko nung college ako. Yung barong na ginamit ko nung kasal, kahit medyo may kalumaan na, pwede na rin yun.
Paano kaya ang magiging scenario ng burol ko? Ilang mesa kaya ang mga nagtotongits habang humihigop ng kape at nagsisigarilyo? Ilang patak ng luha kaya ang malalaglag sa salamin ng aking ataul? May mga magsasabi kaya ng “sayang ka” o kaya ng “bakit ikaw pa?” o kaya ng “sana… sana…”.
Basta, pag ako namatay, gusto ko i-donate ng mga kamag-anak ko yung mga laman loob ko at ibang parte pa ng katawan na pwede pa namang pagtyagaan at magamit ng iba. At least nakatulong pa ako. Basta yung mga karapatdapat lang naman i-donate, kasi baka lasug-lasug na, ibigay pa rin. Kawawa naman yung makakatanggap. Baka magkita pa kami agad nun nangg di oras.
Saan kaya ang strategic locatation para makapunta ang majority ng mga kaibigan, kakilala ko, kumare at kumpare nila ermat at erpat at kung sino sino pang may trip maki-jamming. Sa Cavite – masyadong malayo para sa mga kaibigan ko sa norte at at mga taga maynila na tamad mag byahe. Sa Tondo – parang medyo masikip. Makakasagabal sa kapitbahay. Baka batuhin pa ng itlog o kamatis ang kabaong ko. Sa Project 8 – ayos lang naman. Pero medyo hassle naman sa mga cavite people kong kaibigans. Sa Market! Market! – bakit dun? Medyo malayo, at hassle pumunta (unless may dalang sariling oto) pero pwede nang mag shopping at mag window shopping pagkatapos bumisita ng mga bisita. Pwede din silang gumimik sa ascend or embassy pagkatapos. Ewan ko, bahala na mag burol organizers ko sa diskarte nila.
57 comments:
First on the list.
Kem.
or maybe last. depende sa pagkamatay mo. pag emo. hnd ako ppunta. ;p
syempre pupunta ako...coffee party!..hahaha...kidding aside, that's the least I can do as long as alam ko.
gago ka! hahaha :)) mamamatay ako nang masaya, itataga ko yan sa bato (hindi yung mag tuter ha) hahaha
grand EB ng kolokoys! hahahahahahaha
o kita mo. mag babato pa. tsk tsk...
sheesh magkikita na nga lang tayo dun pa ~_~. haha . emfff
wag ka munang mamamatay . hindi pa tayo nakakapag shoot . . . hahaha .
weee. ako , pupunta ako dun , =P hehehe
"Mababawi kaya nila yung perang ilalabas nila pang gastos ng kabaong ko, pang biskwit at kape ng mg bisita, gastos sa kuryetnte sa limang araw na lamay, gastos make-up ko (minsan lang ako make-up-an sa buong buhay ko) at kung anu-ano pa. Pero hanggang sa kabaong, ayoko pa rin ng bagong barong at slacks at sapatos. "
Iba na uso ngayon. Mas cost effective. Cremate muna bago lamay...walang gastos para sa coffin- mahal din urns pero kung nagtitipid ka at creative naman ang mga naiwan mo, puede na rin sa lata ng MYSan! Kauting detailing lang at ayus na! Wala nang makeup or costume requirements- bago ipasok sa furnace, simple lang ang attire. Saka ilang lang makakakita doon....hehehehe
Teka anu ka ba? Napakamorbid naman nito! :P
naisip ko lang naman ser. Parang mas gusto ko pa din kasi yung traditional way ng paglalamay. Parang yung sa lolo ko, ni-cremate siya imbes na ilibing. Pero may isang linggong burol pa rin na naganap. hehe
ayos, registered ka na. pag hindi ka pumunta, ikaw ang pupuntahan ko. haha
punta ko.
depende sa layo at kelan.
pag mashado malayu at gabi na... pagiisipan ko. XD
pambihira ka naman. isa ka pa naman sa mga inaasahan ko na magbabantay. haha
basta ba starbucks/seattle's yung kape sa lamay mo e..kahit unang araw hanggang libing andun ako!
choosy ka pa ha! hahahhhaha walanjo!
Sama ko. Mag dadala ako ng isang balot na Marie biscuit.
saka
akin nalang cam mo bro. hahaha. peace
mauunahan ka ng mga pinsan ko sa camera. haha tama, masarap ang marie biscuits! =)) para masaya ang lahat sa burol. haha
"and at your funeral, i would sing the requiem.."
great! hehe
kaya ngayon pa lang ayusin mo na yung organ donor card ba yun? haha.
ah basta kung anuman iyon. hahah. aasikasuhin ko na yung mga pwedeng pag tyagaan. haha
metal version :D
para kang tanga BOW haha! labyu!
Anuba yan pretty boy dreen? wala namang ganyanan! alam mo namang hindi ako makakapunta. Kung next June ka mamamatay (knock on wood), yun! pwede yun. Dahil uuwi kami ng Pians nun.magbabakashon. at habang pinaglalamayan ka, eh EB na rin ng tropa yun.hahaha
at Para wag ka na mamroblema sa kung magkano ang abuloy, eh, eto, aalukin kita ng memorial plan. hehehe
ako pupunta. at sa eulogy mo mamamahagi ako ng pulbo! :)
mahal kita! i miss you.
punta ka ha, aasahan kita! hahah love love hehe
hhahah mainam siguro kung nag pipitikan ang kolkoys dun. hahah ayan naman pala,meron kang maiaalok na memorial plan. mahusay yan te Janis! haha
brilliant idea!! mananatiling buhay si boypulbo.! hahah
On a more serious note! For sure, maraming magpaparegister sa lamay mo dahil sigurado ako na mabait kang tao, mabuting anak, mapagkakatiwalaang kaibigan.
For sure mga kasama mo sa potograpiya, mga classmates mo, co-workers at mga kasama mo sa modeling career mo (WAHAHAHA) eh hindi makakapayag na mamiss ang lamay mo.
At, hindi lang ikaw ang nakakaisip ng ganyan.normal yan sa mga pagninilay-nilay ng tao tungkol sa kung anong klase ng pamumuhay nya sa mundo at kung ano ang naisabahagi niya sa mga kapwa nya sa paligid nya.
o tama na.nakakanosebleed rin pala ang managalog ng sobra.
mga naiisip mo bago ka matulog e noh. hehehe. shempre madaming pupunta dun.. hehe. strategic location sa uste! hehe.
talgang may ganitong blog? bata kapa at marapi ka pang paiiyakin.. hehehe
hehehe...eh, pareho pa rin, madami din syang mapapaiyak kapag pumanaw sya...wahahahaha...:))
bata man o matanda...lol:))...
Pero dreen, ito ang matinding tanong sa pagninilay mong ito: Handa ka bang mawala? I mean sa tingin mo ba nagawa mo na ang mga dapat mong nagawa dito sa mundong ibabaw?
Kasi pangit yung may mga unfinished business sa mundo. Kaya live your life the way you wanted it to be.:)
punta ako dreen...
basta mauna ka... pag nauna ako, punta k rin b???
may libreng pagkaen ba. cge. sama ako.
present! gaya nga ng sinabi mo.. "kung hindi ako busy". HAHA
ako, papi, ako! hehehehe
oo nga ako. kila mang tuts! hahahaha :))
at marami pang magpapa iyak sa akin. hahaha
tingin ko halfway pa lang eh. pag fulfilled na, pwede na! haha
aba'y syempre! mauna man ako o hindi, pupunta pa rin ako. hahaa
ang sure na food, biskwit at kape. baka magpa gig din ako. hahahaha :))
ipagpatuloy mo lang ang gawain mo na pag tulog habang nag qquiz. malayo ang mararating mo. lol :))
ayos papi! kitakits! magdala ka ng chiks ha. heheh =p
masarap sana ang lomi e. maulan ngeun.
kung kena mang tuts, papasara natin ung buong street! hehe. tas kena mang tuts ang reception ba.. hehehe.
=D sama po kame. sa laki po ng tnulong mo samen at bngay mo pong pasensya samen tlgang ppnta po kme SIR drin. hahaha.. =D
hahaha adik! aasahan ko kayo dun ha, =p
sige, ako den.
ayos!!! apir!
nyii? kuya basta mi invitation card..pupunta ku.. tas dpat color pink.hihi
muabx
pa-espesyal kang bata ka ha. haha sige para sayo. =))
what a thought! umpugin kaya kita!
Aiaaaaaaaaaaa!!! ^_^ punta ka ha? hehe
naisip ko din yan. ang bilis nga eh, kahit wala kang sakit, in 2 seconds pwede yun mangyari. :|
SIR drin.. bket mo bibigyan ng invi si elou?? hahaha.. inggit ako.. ako din po pala hihingi din.. gs2 ko po rainbow colors.. hahaha.. tas gs2 ko po may picture yung nandun po sa card mo.. hahaha.. (demanding) -_-
papi, isa lang alam ko, hindi na pwede gamitin lungs mo.
HAHAHA
masaya diba!? hahah
sure! hehe
nilaglag mo ko Nic ha. =)) pero tama ka nga
Post a Comment