Dati iniisip ko kung bakit nga ba kapag nagpupulbos ang isang tao, naglalagay sila ng marami sa palad at saka papagpagin sabay punas sa mukha, leeg, o sa katawan. Inisip ko kung bakit kailangan ganoon. Bakit kailangang maglagay ng maraming pulbo sa palad pero papagpagin din naman bago ipahid sa mukha? Nakakatawa lang kasi ganoon din naman ang ginagawa ko. Pwede namang kaunti lang ang ilagay, para sakto lang sa paglalagyan. Pero paulit ulit ko pa ring ginagawa.
Hanggang sa nag-aral ako ng photography. Pinag-aralan ko ang mga konsepto at teorya ng ilaw, kulay, composition at kung anu-ano pa. Hanggang sa kaka-aral at kaka-basa ko ng kung anu-anong libro, kaka-nuod ng iba’t ibang instructional videos, natutunan ko ang iba’t ibang klase ng pag-gamit ng ilaw.
Noong una, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit kailangan pa ng softbox, o ng payong para sa strobes. Bakit kailangan pa ng diffuser sa mga flash (on shoe and off shoe)? Pwede namang hinaaan na lang ang output ng mga ilaw para hindi na kailangan pang i-diffuse.
Sinubukan ko ng ilang applications. Iba eh. May mali. May kulang. Madaming kulang. Hanggang sa naintindihan ko na nang makapagbasa ako ng isang article tungkol sa theory ng ilaw – mas malaki ang light source, mas soft ang ilaw. Parang daylight. Pag walang ulap, harsh ang sikat ng araw. Pero pag may ulap na madami, nagiging malaking diffuser ito ng araw at soft ang ilaw na tumatama sa atin.
Isang araw nagpupulbo ako. Naisip ko bigla yung naisip ko noong mga nakaraang taon tungkol sa paraan ng pagpupulbo. Sinubukan ko ng maraming beses sa salamin kung ano ang pinagkaiba ng pinagpag na pulbo sa hindi. Saka ko napagtanto na kaya pala pinapagpag ang pulbo ay dahil lalong nagiging soft ang pagbahid nito sa mukha o sa katawan. Dahil mas lumalapad source ng pulbo at pumapatag ito sa palad, nagiging pantay (o halos pantay) ang paglalagay nito. Kumbaga sa photography, mas dramatic ang pag-ilaw. Kapag kaunti lang ang nilagay (for the purpose na hindi na magpapagpag), mas harsh naman ang pag dampi nito sa mukha o sa katawan.
Ngayon naiinitindihan ko na kung bakit ganoon ang paraan natin ng paglalagay ng pulbo. Siguro hindi tayo aware tungkol dito, o talagang trip lang natin na tingnan ang lumilipad lipad na talc particles tuwing pinapagpag (dini-diffuse) natin ang pulbo sa ating palad.
Siguro mainam na tawaging itong “Talc Powder-Light Theory”. Ang stand, applicable ang theory of light sa paraan ng paglalagay natin ng pulbo.
8 comments:
clap,clap,clap. ayus!
Talc Powder-Light Theory. panalo!!
hahahaa ... lupeeeet bosz !!!!
nka2tuwa .. i learn at the same time. ..
daeng alam aa ..
misz yu lotsza !
naks naman c SIR aldrin.. gumawa ng theory 2ngkol sa pulbo.. galeng.. idol!!! pasisikatin natin yang theory mo SIR aldrin.. hahaha..
SIR aldrin!!! yung video po i-advertize natin!!!
amazing! pwede ka na gumawa ng book of theories mo haha. pero sa totoo lang konti lang ako maglagay ng powder sa palm pero pinapagpag ko pa din wahahaha
lalim hahaha
Nice :)
abah..pwde ata tong iapply sa mga ordinaryong bagay bagay....hahaha
nice thought
Post a Comment