Tuesday, October 13, 2009

Day 53

Hindi ko na nagagawa yung mga bagay na gusto ko talaga. Ano nga ba ang mga iyon?
- mag street photography
- mag edit nang mag edit ng video
- magsulat nang magsulat ng anything under the sun
- uminom hanggang umaga
- U.B.E. with old friends
- matulog maghapon
- mag banda

Hindi ko pa rin naaabot yung mga pangarap ko'ng trabaho.
- gumawa ng pelikula
- maging copywriter

Pero okay lang. Kauting sacrifice lang para sa pangarap ko at pangarap ng pamilya ko. Kaunting sacrifice lang para mabago ang buhay ko, ng mga mahal ko sa buhay at ng mga tao sa paligid ko. 

After 6 months, magagawa ko naman ulit yung mga gusto ko'ng gawin. After 6 years, pwede ko na'ng umpisahan maging empleyado para maabot yung pangarap ko sa career. Pero mas malaki ang mawawala sa akin, lalo na sa buhay ko, kung hindi ko gagawin ang ginagawa ko ngayon. 

'Di bale nang mag-sacrifice ako ng tatlong taon, kaysa naman habang buhay kong ikakayod ang ipapakain ko sa pamilya ko.

Sa mga napag-aralan ko simula elementary ako, isang bagay lang siguro ang na-aaply ko sa ngayon - ang konsepto ng Greater Than (>) and Less than (<). Praktikalan na lang sa buhay. Lunukan na lang pride.

16 comments:

Florentino Acosta said...

sana huwag kang mapagod mangarap
sana huwag matakot sa mga pagsubok gaano man kalaki ang mga ito
sana huwag kang mag-alinlangan
sana huwag kang lilihis ng landas
sana huwag kang makakalimot
sana,sana,sana...........

sa dulo ng lahat ng ito ay liwanag , mga kasagutan sa mga katanungan mo

agnes navales said...

miss ko na nga ung mga post mong pics at blog. huhuhuhu. anu ba pinagkakaabalahan mo? anyways, goodluck n lng sa pinagkakaabalahan mo ngaun and move on lng ng move on..hehe,

dreen oh! said...

miss ko na nga din eh. pero soon mag uupdate na din ako. binubuo ko lang pangarap ko. =] sama ka! =)

dreen oh! said...

hinding hindi ako mapapagod, matatakot, mag-aalinlangan, malilihis at higit sa lahat, makakalimot.

maraming nakataya, maganda ang resultang naghihintay. =) salamat kuya Ardy! =)

jamie espadilla said...

sige na nga.. at dahil dyan, wag mo nako ilibre partner =p hehe

Luis Azcona said...

bakit di kasama sa listahan mo ang sex?

agnes navales said...

update ka na ah.. hehe. dati sunod sunod ang upload e. hehe.

dreen oh! said...

emo ka! hahahaha hindi pwedeng hindi! haha

dreen oh! said...

ignorante po ako sa ganyan, kuya. hahahah =))

Badong! Mong! said...

anong kalokohan to? haha

Luis Azcona said...

eh anong tawag mo sa ginawa natin?

aubrey leongson said...

anu emote itu kuya ??
hmm.
misx na pu kita :))

kung anuman ang merun .. goodluck po :D

Shayne Guevara said...

dahil kaibigan mo ko at honest akong tao kahit na ewan ko basta yon.

ISANG MALAKING PAGKAKAMALI ANG GINAGAWA MO SA BUHAY MO NGAYON.

mahal kita kaya ko sinasabi yan. pero ikaw parin ang masusunod kaya sige, hehe.

jon de chavez said...

bakit? ano bang ginawa mo aldreen?

anyway. gawa tayo pelikula!

dreen oh! said...

thank you love. :) it's okay, I appreciate your honesty. :)

dreen oh! said...

gumagawa ng paraan para makaulong at mabago ang buhay. :)

oo brad, babalikan ko din ang pelikula. may mission lang akong aayusin ngayon. :)