Saturday, July 31, 2010

Wednesday, July 28, 2010

Benefit Concert




Benefit Concert

What: Fuse Up and be BLEST
with Parokya ni Edgar, Kitty Girls
and Other Surprises!

Where: ULTRA, Pasig

When: August 7, 2010

Why: This is a non-profit event, part of the proceeds will be used to pay for the brand new car that will be raffled that night and to pay the services of the country's top bands.

All the remaining proceeds of this event will go to our beneficiaries;

1) Asia America Initiative (A School will be constructed in Brgy. Lumbatan, Lanao Del Sur and at least 565 children will be able to study annually),

2) Caritas Manila (Religious Group),

3) Leonor Sanchez Yulo - Breast Cancer
Patient and

4) Sarah Buena Pasicolan - Chronic Kidnes Disease 2 to Chronic Glomerulonephritis

All beneficiaries will be awarded that night, the press will be there also to support the event.

For only Php 350.00, you have become and instrument of love and blessing to other people.

Call or Text
Aldrin Orqueta
0916.434.0170

Sunday, July 25, 2010

Kalahating Oras

May mga bagay talaga na mahirap sabihin, pero masarap gawin. Gusto'ng gusto ko na hintayin siya at ihatid, pero parang hindi ko masabi. Iniisip daw kasi niya kung babalik pa siya sa school, dahil doon din naman ang daan niya pauwi - o mag-iba na lang siya ng ruta. Ako naman, nasa school at nag-iisip ng gagawin. Pero bakit hindi ko masabi na gusto ko siyang ihatid kung sakali man na babalik siya sa school. 

Paalis na dapat ako, sa pag-aakalang iba na ang dadaanan niya. Pero sabi niya, pabalik na din daw siya. Buti na lang at hindi pa ako nakakalayo. Pumirme na lang ako sa isang tabi.

Pangatlong beses namin magkikita (simula noong araw na nagkakilala kami). Sobrang excited ko! Sakto, dala ko yung ibibigay ko talaga sa kanya. Hinintay ko siya sa may catwalk. Ilang minuto pa, mayroon akong nakita sa kabilang side ng street na parang siya yata. Hindi ko naman maaninag masyado dahil medyo may kalabuan ng kaunti ang mata ko. Nang lumingon, siya na nga!

Habang naglalakad ako patawid para puntahan siya, parang napakadaming nag-flush sa utak ko! Nakakatawa man isipin, pero naimagine ko na sa gitna ng kalsada kami magkakasalubong! Tumawid ako papunta sa kanya. "Kumusta!? Tara, upo muna tayo. Napagod ka yata sa byahe." Gusto'ng gusto ko talaga yung moment na tatawid ako papunta sa kanya! Literal, parang ang bagal bigla ng mundo. Para akong naka-juts (pero hindi naman).

Kwentuhan sandali. At saka binigay ang simpleng regalo para sa kanya. Remembrance. Tuwing may kausap ako, nasanay na ako na tumingin sa mata ng kausap ko. Tuwing nagsasalita tuloy ako, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Pero parang nauutal ako at parang may kulang lagi sa mga sinasabi ko.

Hindi na din kami nagtagal dahil kailangan niya na din umalis. Medyo late na din kasi at madami pa siyang gagawin na homework. 

Ako : "Hatid na kita."
Siya: "Hindi, okay lang."
Ako : "Hindi. Okay lang din."
Siya: "Hindi, okay lang talaga."
Ako: "Minsan lang ako magyaya. Pagbigyan mo na ako."

May ilang beses din naulit 'yang pag-uusap na 'yan hanggag sa nag-aabang na kami ng masasakyan. 

Siya: "Ipara mo na lang ako ng masasakyan."
Ako: "Sige, pero ihahatid kita."
Siya: "Nakakahiya naman sa'yo. Wag na."
Ako: "Naman, ngayon ka pa nahiya. Pag-bigyan mo na ako. Please? Kahit hanggang Taft lang."
Siya: "Sige na nga."

Nakapara na kami ng masasakyan. Dun kami sa likod ng FX nakaupo. Sakto, pang dalawang pasahero. Medyo madami din kaming napagkwentuhan. Parang ayaw ko na nga bumaba nung mga sandaling iyon. Naisip ko na sana byaheng Cavite na lang, para dalawang oras ang byahe. Pero hindi. Hanggang Pedro Gil lang siya - kung saan madaming magkakatabi na 7-11. 

Pag baba namin, "Ako na magbibitbit ng bag mo." sabi ko. Pero ayaw niyang ibigay sa akin. 'Yung kamay ko naman, nakaporma lang sa harap niya na parang sampayan ng bag. Ayaw niya talaga eh. Pero higit sa bag at kung anuman, tuwang tuwa ako nang um-apir siya sa kamay ko! Oops, parang gusto ko i-pause!

Hinatid ko siya sa sakayan ng jeep.

Ako: "Ingat ka ha. Text mo ako pag nakauwi ka na."
Siya: "Oo. Salamat. Ingat ka din."
Ako: "Salamat, hinayaan mo ako na ihatid ka." (pero hindi na niya narinig ang sinabi ko na ito)

Pabalik, habang nasa bus ako, narealiza ko na 30 minutes lang pala kami magkasama. Pero sobrang worth it! Sobrang saya! Nakaka-gaan ng pakiramdam. 

Support us in building a school in Mindanao and touch other people's lives. PM me if interested.

Thursday, July 15, 2010

Gah

I miss the place! If you know what I mean.

Ayaw ko lang i-post sa Facebook or sa Twitter or sa Blogger. Dito na lang. Mukhang safe.

It's been a while. Ang bilis ng oras, hindi ko namamalayan. Pero nakakatuwa lang, dahil dalawang linggo na yatang maganda palagi ang gising ko - sa hindi ko maintindihang kadahilanan. 

Totoo pala talaga ang sinasabing pakiramdam na "sana laging ganito ang moment". Yung "gusto ko'ng itigil ang oras". Totoo pala talaga. Minsan parang gusto kong ibalik ang araw na iyon, pero hindi naman pwede. Ang pwede ko lang gawin ay harapin ang mga araw na sumasalubong sa akin at gumawa ng mga makabuluhang bagay sa mundo. 

Inaantok na ako. Sabaw na din ang utak ko. Isa lang siguro ang ibig sabihin nito - Inspired ako! At masaya ako doon! Sabi nga ng isang kaibigan ko, "You have to be inspired to be inspiring."

Thursday, July 1, 2010

7-11

Grabe! Hindi ko lang talaga mapigilan! Parang ngayon lang yata ako ulit na-excite ng ganito! 

Kaninang tanghali, pumunta ako sa Vito Cruz area sa may Taft para sa isang appointment. Nag-decide ako na maagang pumunta doon para makatambay muna sa 7-11. At ganoon na nga ang ginawa ko. 

Lagpas kalahating oras yata akong nakatiwangwang doon. Nanonood lang ako ng mga music video na pinapalabas sa isang TV sa loob. Pati na din ilang mga commercials. Nakaagaw ng pansin ko ang isang commercial ng 7-11! Basta, babae at lalaki na magkaparehas ng suot at halos parehas lahat ng kilos. Paiksiin ko na lang. Doon sila nagkakilala (at siyempre, may kilig moments). Nakakatawa man isipin, pero napangiti ako ng commercial na yun (ayaw ko lang talaga sabihin na kinilig ako).

Hanggang sa dumating na ang hinihintay ko. Kumain muna kami sa Jollibee at saka pinag-usapan ang dapat pag-usapan. Pag tapos namin, bumalik na lang ako sa 7-11 kasi mas trip ko dun, at mayroon pa akong iba pang hinihintay.

Bumili ako ng inumin. Umupo nanaman ako sa isa sa mga upuan doon - yung mas malapit sa TV. Pero naisipan ko na lumipat na lang sa may mahabang mesa sa may salamin at tumingin na lang sa mga dumadaang tao habang naghihintay.

Inantok na ako, hanggang sa eto na! Biglang may pumasok sa 711 na parang familiar ang uniform pati ang ID lace. Taga UST nga. Di ko napigilan, nabali ang leeg ko, pero bumalik din naman dahil medyo inaantok ako. 

Maya-maya, may nakita ako sa peripheral view ko na parang mayroong papalapit na naka-uniform na puti! Pakipot konti, lingon konti. Hanggang sa nagulat ako na sa tabi ko siya umupo at kumain! Ang hindi ko maintindihan, kung bakit biglang nawala ang antok ko at parang bigla akong nabalisa nung umupo siya! Biglang ayos ako ng upo, tingin-tingin sa cellphone, at napadalas ang inom ng tubig. Maya-maya pa, pinapawisan na ako! Siyempre dahil katabi ko, kapag alam kong hindi siya nakatingin, pasimpleng sulyap naman ako.

Habang kumakain siya, nagpapawis ako! Lumalakas din ang lagabog sa aking dibdib! Kitang kita ko na nangingig ang aking mga kamay!

Sa may malapit sa inuupuan kasi namin, mayroong malapit na vendo-chager, pero mayroong nakaupo. May isang manong na nag-excuse para mag-charge. Dali-daling nalipat doon ang attention namin! Habang nakalingon si binibini sa may vendo-charger, nakatingin naman ako sa kanya! 'Yun nga lang, pagpihit ng leeg niya pabalik, nahuli niya akong nakatingin sa kanya! Alam mo yung "awkward moment" na tinatawag? Yung natulala ako at biglang napatingin sa kung saan-saan! (Ang hirap kasi ipaliwanag eh)

Natapos na siyang kumain. Pero nakaupo pa din siya doon. Nag ayos ng kaunti, nakinig sa iPod, at nagtetext. Ako naman, ganun pa din. Nanginginig! Nagdasal ako. Sabi ko, "Lord, pahingi po ng sign. Hmm kapag may dumaan na naka-pink sa harap ko na papunta sa kanan, kakausapin ko na ito." Wala pang sampung segundo, eto na! Biglang may dumaan na naka-pink sa harap ko, papunta sa kanan! At ang malupit, lalo akong nanginig! Sabi ko, "Lord, isa pang naka-pink." At wala pa ulit sampung segundo, ayan nanaman! 

Hindi ko kinaya! Tinapik ko yung babae at sabi ko, "Ate, okay lang pabantay ng gamit ko? Bibili lang ako ulit ng inumin." Sabi niya, "Sure, sige." 

Bumili ako at pag-balik ko, hindi ko pa din agad nakausap! Inom pa din ako nang inom ng tubig habang pasimpleng sumusulyap sa kanya. 

Hanggang sa, "Ate, taga UST ka din pala?", "Ako din eh.", "Ano'ng course mo?"

At doon na nagsimula ang lahat. Hanggang sa umabot na sa, "Ako nga pala si Aldrin. Ikaw?", "Kale.", "Nice meeting you.", "Nice meeting you, too.","Okay lang ba mahingi number mo?", "Oo, sure." At nag-usap lang kami ng ilang minuto. Nalaman ko na mayroon pala siyang hinihintay. Imi-meet niya dapat ng 3pm. Eh malapit na mag 4pm nung nagkausap kami. Sabi ko na lang, "Everything happens for a good reason."

Dahil kailangan ko nang bumalik sa Jollibee dahil dumating na din yung ibang hinihintay ko pa, at siya, pupuntahan na din niya yung imi-meet niya, inaya ko na siya na sabay na kaming umalis. "Sabay na tayo tumawid." Sabi ko. "Sige, hindi din ako marunong tumawid." Sabi niya. "Sige, ako'ng bahala sa'yo." Sabi ko.

Naniniwala ako na hindi pa tapos ang kwento. Umpisa pa lang ito.

Ngayon lang, nalaman ko na may boyfriend na pala siya. Okay lang. Wala naman masama makipagkaibigan. Wala naman masamang maka-appreciate ng ganda ng isang tao.

Sa experience na ito, narealize ko na totoo pala na lahat ng first time gagawin, nakaka-kaba. Nakakatakot. Nakakaduda. Buong buhay ko kasi, ngayon ko lang ito naranasan. Ngayon ko lang ito ginawa. At totoo din pala yung sinasabi nila na, "It only takes the first step." Dahil once na nagawa ko na ang first step, susunod na ang second, third, fourth and the rest will be history.