Saturday, October 16, 2010

Sabog Lang

Ewan ko. Ang saya ko lang ngayon! Siguro dahil pagkatapos ng ilang taon, nagkasama at naka-bonding ulit kami ng mga kaklase at tinuring kong kapatid noong high school ako ( Ilan lang naman sila, Kilala niyo naman kung sino kayo.).

Nakakatuwa lang dahil pagkalipas ng ilang taon, tandang tanda niyo pa rin ang mga kalokohan natin noong high school pa tayo. At syempre, tandang tanda niyo pa rin kung gaano ako ka-iyakin noon. Salamat sa mga magagandang alaala at sa mga lesson na directly or indirectly naituro ninyo sa akin.

Ilan lang tayo kanina, pero parang kumpleto na tayo simula pa noong elementary tayo. Wala pa rin tayong pinag-iba - naroon pa rin ang pagka-isip bata natin. Palagay ko, hinding hindi na iyon mawawala. Nakatatak na iyon sa puso natin lalo na tuwing magkakaksama tayo,

Inaantok na ako. Gusto ko nang matulog. Parang ang tagal na simula nung huli ko kayong nakasama at naka bonding!

At syempre, gusto ko rin pasalamatan si 7-11. Kilala mo naman kung sino ka. Tuwing naiisip kita, natutuwa talaga ako! At buti nalang gising ka pa kanina kundi, basag na basag na ako. :) Medyo nachismis kita sa mga kaklase ko. Pasensya na, di ko lang talaga napigilan.

Di bale, looking forward sa napag-usapan natin kanina. :) Yung tweet ko, "Don't you know, you never fail to make me smile.", para sayo iyon. Ewan ko kung mababasa mo. Basta, para sa'yo iyon. :)




PS sana pala, ginawa ko na lang sulat ito.

No comments: